Chapter 13

9.1K 417 66
                                    

S I X

Chapter 13

“Calvin!”  Napalingon ako sa tumawag sa akin habang naglalakad ako sa lobby at agad akong napangiti nang makita kong si Mica iyon. Naka puti siyang blouse at pink na skirt. Ang cute niya at parang ang bango niya.

“Hi.” Bati ko sa kanya at lumapit na rin ako sa kanya. Tumingin ako sa relo ko at mas lumaki pa ang ngiti ko dahil maaga pa at marami pa kaming oras. “Gusto mong mag coffee sa labas? Maaga pa naman.” Sabi ko sa kanya. 

“Sure.” Sagot niya at imbes na sa elevator kami dumeretso na dalawa ay bumalik kami sa exit. Pumunta kami sa pinaka malapit na coffee shop at nag order ng kape.

Naupo kami ni Mica sa may labas at pareho naming inobserbahan ang mga taong dumadaan sa paligid. Hanggang sa magsalita siya.

“Ang busy yata ng department niyo ngayon?” Tanong ni Mica.

“Hindi naman pero may mga kailangan lang i-review. Imbes kasi na ibang project na ang gagawin ko ay binalikan ko pa yung nakaraan.” Sabi ko at tumango naman siya.

“Mamaya ba busy pa rin kayo?” Tanong niya ulit.

“Hindi ako sigurado. Minsan kasi kung kailan last minute tsaka may darating na trabaho, napapa-overtime ako ng wala sa plano.”

“Ah, ganoon ba?”

“Bakit?”

Yumuko siya ng bahagya at tila nag isip.

“Wala naman.”

“Tara manuod ng movie kapag hindi tayo parehong overtime mamaya.” Yaya ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.

“Sige, sana lang pareho talaga tayong libre mamaya.”

-

Bumalik na rin kami ni Mica sa building at pareho kaming nagmadali dahil walang nakapansin sa aming dalawa ng oras. Muntik pa kaming ma late!

Nagpaalam na kami sa isa’t isa at nagkasundong magkita na lamang mamaya.

“Hihintayin na lang kita mamaya sa lobby.” Sabi ko sa kanya.

“Papaano kapag nag overtime ako?” Medyo nakasimangot na tanong niya.

“Hindi ka naman siguro mag o-overtime ng limang oras.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Nakangiti naman siyang tumango sa akin.

“Hindi, hindi ako mag o-overtime ng ganoon katagal at hindi kita kayang paghintayin ng limang oras. Nakakahiya sa’yo.” Sabi niya at hindi ako sigurado pero parang pinamumulahan siya ng pisngi.

“Sige. Basta hihintayin kita mamaya, sisikapin ko ring hindi mag overtime.”

“Hihintayin din kita kung sakaling overtime ka.” Sabi ni Mica at lumaki ang ngiti ko.

“Hindi kita paghihintayin.” Sagot ko. Naghiwalay na kami at pumasok na sa kanya kanya naming opisina.

“Good morning naman talaga, Calvin. Ang ganda ng ngiti mo.” Sabi kaagad ni Niel sa akin. May hawak na siyang kape at nakaupo na sa lamesa niya.

“Good morning.” Sabi ko lang at naupo na rin ako.

“Mukhang maganda ang umaga mo.” Sabi ni Niel.

“Hindi naman, sakto lang.”

“Gusto mong kape?”

“Hindi na, nagkape na ako. Mamaya na lang siguro.” Sagot ko na lamang.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon