Chapter 14

9K 396 120
                                    

S I X

Chapter 14

Nang makita ko ang kailangan ni Jenyl ay iniabot ko kaagad iyon sa kanya at lihim akong nagpasalamat nang bumalik siya sa loob ng opisina niya.

Ibinalik ko muna ulit ng maayos ang mga folders sa loob ng cabinet at may ilang sandali pa akong naupo sa sahig. Tahimik lang ako r’on at baka biglang lumabas si Jenyl ay mahalata pa kung anong nangyayari sa akin.

Nang kumalma na ang ano ko ay tumayo na ako at bumalik sa ginagawa ko. Iniligpit ko na rin muna ang pinagkainan namin ni Jenyl at kinain ko na ang natitirang slice ng pizza.

-

Nagpapatay na ako ng computer nang lumabas ng opisina niya si Jenyl na may dalang napakaraming gamit. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha ko kaagad ang iba.

“Saan mo dadalhin ‘to?”

“Pauwi na ako. Sa sasakyan ko na dadalhin ‘yan.”

“Sa parking na? Saan ka naka park?” Tanong ko sa kanya.

“Sa 2nd floor.”

“Lead the way.” Sabi ko. Kinuha ko na ang bag ko at sumunod na ako sa kanya papunta sa parking area.

Nang makarating kami r'on ay iniabot niya sa akin ang susi ng kaisa-isa na lamang na sasakyan na naroon. Isang sedan na kulay puti. Hindi ko alam na nag mamaneho pala siya. Binuksan ko ang sasakyan niya at ipinasok sa loob ang mga dala niya.

Amoy Jenyl ang loob ng sasakyan. Bango! Amoy plum talaga.

"Sumakay ka na rin, do you know how to drive?" Tanong niya sa akin at napakurap ako.

"Marunong lang akong mag start, Miss. Hindi po ako marunong mag drive." Sabi ko sa kanya, kaysa naman bigla kong maibangga ang kotse niya. Narinig ko naman ang biglang pagbuntong hininga ni Miss Jenyl.

"Fine, akin na ang susi." Sabi niya sa akin at iniabot ko naman sa kanya iyon. "Get in, ihahatid na kita." Sabi niya sa akin.

Napatanga ako sa sinasabi niya. Ihahatid raw ako?

"H'wag na po, Miss. Uuwi na lang akong mag isa, malapit lang naman dito ang apartment namin, nilalakad ko nga lang eh."

"No, I'll drive you dahil gabi na rin naman. Thanks for your help today."

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Now get in." Sabi niya sa akin at pumwesto na siya sa driver's seat. Tumalima naman ako nang pandilatan niya ako. Sumakay na rin ako at sa passenger sear naman ako umupo.

Tiningnan ko si Jenyl na nagkakabit ng seat belt at mabilis akong umiwas ng tingin. Nasa pagitan ng plump na plump niyang dibdib na amoy plum iyong belt. Goddammit.

"Ituro mo ang daan papunta sa bahay niyo." Sabi niya habang nag mamaneho palabas ng building.

"Deretso lang, Miss tapos kumaliwa kayo sa Pacific Drive." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

"You should learn how to drive."

"Po?"

"Drive, I mean it's an additional skill that we might use in the future." Sabi niya sa akin.Ngali -ngali kong makasagot na huwag na at baka gawin pa akong driver nito.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon