S I X
Chapter 36
Ikatlong araw ko ng nagtatrabaho at hindi ko nankayang magtiis pa at maghintay ng matagal, hindi ko na kayang hindi nakakausap at nakikita si Jenyl. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa kakaisip sa kanya.
“Boss, pwede kang makausap?” Tanong ko kay Marcus. Hinintay ko talaga siyang pumunta sa opisina dahil hindi naman ako pwedeng pumunta ng machine shop nang wala naman akong pakay at business doon.
“Sure. Tungkol saan?” Tanong niya at sumandal sa lamesa ko.
“Alam ko na bago lang ako pero pwede bang humingi ng leave? Isang araw lang.” Sabi ko sa kanya.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya at blangko ang ekspresyon niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Tangina, baka itapon ako nito sa labas.
“Babalik ako sa siyudad, may kailangan akong kausapin.” Sabi ko sa kanya. Tumuwid siya ng tayo at napahinga akonng malalim. Magsingtaas lang kaming dalawa pero di hamak na mas malaki katawan sa akin ni Boss.
“Jenyl?” Tanong niya at napakurap ako. “Nabanggit ni Clovis sa akin na may naiwan ka raw girlfriend r’on.” Sabi ni Marcus at napahinga ako ng malalim. Napakadaldal ni Clovis, tangina.
“Yes boss. Hindi kasi sinasagot ang tawag ko.” Sabi ko at ngumiti lang siya.
“Sure, you may go pero bumalik ka kaagad.” Sabi niya.
“Thank you, Boss.”
“It’s Marcus.” Sabi niya at tumango na lang ako pero hindi ko siya tatawaging Marcus. “Boss” pa rin ang itatawag ko sa kanya.
“Hey.” Tawag niya ulit nang aalis na sana ako kaya bumaling ako sa kanya.
“Yew boss?”
Inihagis niya sa akin ang susi at sinalo ko naman iyon.
“Bring the car para makabalik ka kaagad.” Sabi niya. Tangina, ayos din ‘tong kapatid ni Clovis.
“Salamat, Boss.” Sabi ko ulit.
“Geez, call me Marcus.” Sabi niya at naisuklay ang daliri sa buhok niya.
“Fine, Marcus.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Good, now go to your woman.”
Sinunod ko na siya at lumabas ng opisina at napasipol ako dahil mukhang brand new ang sasakyang ni boss na ipapagamit sa akin, wala pang plaka. Ayos pala rito sa San Lorenzo.
-
Dahil gabi na ako dumating ay sa bahay na nina Jenyl ako dumeretso. Nang mag door bell ako at lumabas ang Tatay niya ay napalunok ako dahil masama ang tingin niya sa akin.
“Magandang gabi po, Sir.”
“Walang maganda sa gabi. Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya. Binuksan niya ang gate pero hindi niya ako pinapasok. Nakatayo lamang siya roon na tila kawal na naka gwardiya, alam kong wala siyang plano na patapakin man lamang ako sa kabilang panig ng gate.
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.