Chapter 27

8.6K 449 71
                                    

S I X

Chapter 27

“Good morning.” Napalingon ako sa bumati sa akin habang nakapila ako sa café. Si Jenyl iyon na biglang sumulpot sa tabi ko.

“Good morning.” Sabi ko sa kanya.

“I’ll get my own coffee today.”

“No, I’ll get you coffee.” Sabi ko ulit at sumimangot siya.

“No. Ako ang bibili ng kape ko.” Sabi niya at bahagya akong itinulak at umuna sa akin sa pila. Maigi na lamang at wala akong kasunod dahil tiyak na magagalit sa aming dalawa.

“Sige, sabi mo.”

Tumayo lamang ako sa likuran niya at nangangati ang kamay kong hawakan siya. Gusto kong umakbay sa kanya, hawakan ang kamay niya o di kaya ay ang siko niya.

“Anong order mo?” Tanong niya sa akin nang kami na ang kasunod sa counter.

“Kung ano ang sayo.” Sabi ko lang at tumango naman siya.

“Two caramel macchiato please.” Sabi niya nang magbabayad na siya ay inunahan ko siya at iniabot sa barista ang card ko. Ang sama na naman ng tingin ni Jenyl sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para mapigilan ang pagbabayad niya.

“Calvin …” Alam kong warning iyon pero binalewala ko lamang ‘yon.

“I’ll pay.” Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

“Alright. Now, pwede mo ng bitiwan ang kamay ko.” Sabi niya.

“Mamaya na.” Sagot ko at lumakad kami sa dulong part ng counter para hintayin ang ang orders namin. Biglaan naman niyang hinila ang kamay niya at alo naman ang sumimangot.

“Sinasamantala mo talaga minsan ‘no?” Sabi niya sa akin at humalukipkip siya.

“Hindi naman.” Sabi ko at muli akong ngumiti sa kanya.

Humakbang siya ng dalawa para dumistansya sa akin at sumunod naman ako sa kanya.

“Seriously, Calvin?” Sita niya sa akin.

“What? Hindi naman kita hinahawakan tsaka nakaharang ako sa daan.” Sagot ko sa kanya.

“Tss.” Sabi niya at lumayo ulit sa akin. Kakagigil talaga ‘tong si Jenyl.

Tinawag na ng barista ang pangalan niya at ako na ang kumuha ng kape naming dalawa. Sabay kaming pumasok sa opisina at sumipol si Daniel nang pumasok sa sarili niyang office si Jenyl.

“Naks, parehong may kape at sabay pumasok. Ayos ‘yan.” Sabi niya.

“H’wag nga kayo. Nga pala, ayos lang na ako ang asarin niyo pero huwag niyong aasarin si Jenyl at baka lalo akong ayawan.” Sabi ko at tumawa si Niel.

“Bakit, ayaw ba sa’yo?” Tanong niya.

“Oo, ayaw sa akin.” Sagot ko at dalawa na silang tunatawa ni Daniel.

“Kaya mo ‘yan, brad. Suportado ka namin.” Sabi ni Niel at tinapik ako sa balikat.

-

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon