S I X
Chapter 33
Bago ko ihatid pauwi si Jenyl sa bahay nila ay kumain na muna kaming dalawa. Alam kong mukha na akong gago at mapupunit na ang labi ko dahil hindi na nawala ang ngiti ko. Magkahugpong ang mga kamay namin at naupo kami sa bakanteng lamesa.
“How’s Hong Kong?” Casual na tanong ko pero malayo sa casual ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay eratiko pa rin ang tibok niyon.
“Okay lang. Hindi naman ako namasyal. Mostly nasa hotel lang kami to meet people then ilang oras silang nag m-meeting. We were only there to listen to them pero baka next couple of months ay bumalik ulit doon aang company for presentation naman.”
“I see. Napansin ko na parang hindi yata masaya si President na nakikita akong kasama ka.”
“Well they can’t do anything about you and I.” Simpleng sagot niya at nagsimulang kumain. Talagang masyado akong pinasasaya nitong si Jenyl. Humawak ako sa kamay niya at pumisil pisil doon.
“You’re melting me.” Sabi ko.
“No, you’re the one who melted me.”
Tangina, na t-turn on ako sa pagiging straight forward niya. Pinanuod ko siya habang kumakain at ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng init sa dibdib ko. Alam kong siya na talaga.
-
“Mama, mag aasawa na ako.” Sabi ko habang kumakain kami sa bahay ng mga magulang namin ni Callie. Umuwi muna kaming magkapatid.
Sa sinabi ko ay kita kong muntik ng maibuga ng Mama namin ang tubig habang tahimik naman na ibinababa ng Tatay namin ang kubyertos. Si Callie naman ay ang lakas ng naging pagtawa sa tabi ko.
“Anong sinabi mo?” Tanong ng Mama namin.
“Hindi ko pa naman sinabing ngayon na, pero nahanap ko na yung babaeng gusto kong pakasalan.” Sabi ko. Tumango si Papa pero nanatili siyang tahimik. Kunsintidor ang isang ‘to kaya kinakabahan ako ngayong tahimik siya.
“Sino itong babaeng pakakasalan mo?” Tanong ulit ni Mama.
“’Yung boss niya, Mama! ‘Yung kini-kwento ko sa inyo!” Si Callie. Lintik na bubwit ‘to, napaka ingay.
“Boss mo?” Si Mama.
“Yes Ma, mas matanda siya sa akin ng anim na taon. Wala namang problema r’on diba? Ipapakilala ko siya sa inyo sa susunod.”
“Yes, walang problema r’on. We don’t disapprove of someone dahil lamang sa edad nila. Sige, dalhin mo siya rito at gusto kong makilala ang babaeng sinasabi ng anak kong gusto niyang pakasalan.” Sagot ni Mama. Tumingin ako kay Papa na nagsimula na ulit kumain.
“Boss mo pala, huh?” Sabi niya at ngumiti siya. Tinapik niya ako sa balikat at sinabihang kumain na rin.
“Nakita ko na ‘yon minsan n’ung dumaan ako sa building nina Calvin, ang ganda niya ‘Pa tsaka parang ang cool niya, ewan ko nga r’on kung bakit nagustuhan itong si Calvin.” Sabi ni Callie. Nang lingunin ko siya at samaan ng tingin ay bigla siyang kumambyo. “Pero alam ko na rin naman kung bakit, boyfriend material ‘tong si Calvin. Manang mana kay Papa sa pagiging Lover Boy.” Sabi ni Callie at sabay sabay silang tumawa maliban sa akin.
-
“Good morning.” Bati ko kay Jenyl. Napag usapan naming magkikita kami sa café sa ibaba ng office.
“Morning.” Sagot niya at pumaikot ang braso niya sa braso ko at nagpunta kami sa pila. Gusto ko ‘tong mga ganitong gesture niya sa akin. Small pero deretso sa puso ko.

BINABASA MO ANG
Six
Roman d'amour[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.