S I X
Chapter 6
“Wanna grab breakfast?” Sabi ni Miss Jenyl makailang saglit lang. Nang lingunin ko siya ay tiniklop na niya ang laptop niya.
Nakakaramdam din naman ng gutom. Akala ko’y yung kape na lang ang aalmusalin niya.
"Sige." Sagot ko at bumangon na ako habang tumayo na rin siya. Dala niya ang kape niya kaya't dinala ko na rin ang sa akin. Pinauna ko siyang lumakad palabas ng kwarto namin. Napatingin ako sa pinto nina Daniel. Siguradong tulog pa ang dalawang 'to. Buti pa sila ang sarap ng bakasyon, samantalang ako utusan pa rin.
Nakatingin ako sa likuran niya at napaisip ako kung suot kaya niya iyong pula niyang bra at panty. Putangina.
Kulay itim kasi ang blouse niya kaya hindi ko naisisinag ang pang loob niya. Putangina ulit. Kung bakit pumapasok na naman sa isip ko ang bagay na iyon?
Iisipin ko na lang na inuutus-utusan ako ng babaeng 'to. Na ginising niya ako kanina para lang pabilhin ng kape niya kahit bababa rin naman pala siya para kumain.
Hindi naman sa nag rereklamo ako dahil napaka swerte ko na nga dahil may trabaho ako pero gusto ko lang din mag siesta katulad ng iba kong katrabaho, pero syempre hindi, napagkaisan na ako sa kwarto tapos inuutusan pa ako nitong si Jenyl at parang obligasyon kong samahan siyang kumain. Para naman kasing pwede akong tumanggi sa kanya.
Nang makarating kami sa ibaba ay doon din naman kami sa cafe na pinuntahan ko kanina pumasok. Sana pala ay bumaba na lang din siya kanina at kumain na rin siya imbes na ginising pa niya ako kanina. Again, hindi naman sa nag rereklamo ako, sinasabi ko lang ang mga bagay na sana na i-consider niya.
"So, what do you want, I'll pay." Sagot niya at napataas ang kilay ko.
"Lilibre mo ako?" Naisagot ko.
"Yes, I'm your boss after all." Sabi lang niya sa akin at prenteng naupo sa harap ko. 'Yun lang, may pagka galante din talaga ang boss ko.
"Okay, nice." Sagot ko lang.
"Nakalimutan ko si Niel at Daniel. Call them para kasabay na rin natin sila." Sabi niya at napansin kong bahagya niyang hinilot ang sintido niya pero hindi ako nag komento. Kakatrabaho niya 'yon tsaka wala pa siyang tulog kaya sumasakit na ang ulo.
Idinial ko naman ang number ni Daniel at sumagot siya makailang ring lang. Sinabi kong nasa cafe kami sa ibaba at sumunod silang dalawa ni Niel.
"Mag order ka ng pancakes and sausage roll for me. I'm hungry." Sabi niya at inilapag ang debit card niya sa lamesa. "Password is 131213."
"Huh?" Nasambit ko. Ano raw?
"Pancakes and sausage roll for me, mag order ka ng gusto mo and 131213 ang password." Ulit niya at blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Sinabi niya sa akin ng ganoon lang ang password ng debit card niya? Okay.
"Hintayin mo na rin sila Daniel para sa order nila kung pababa na sila."
"Okay po." Sagot ko at naupo na lang din muna ako. Nakahalukipkip siya at pumikit kaya tumingin na lang ako sa pintuan at nag abang sa pagdating nina Daniel dahil ang awkward namang magsimula ng conversation sa nakapikit. Kinuha ko na lang din ang cellphone ko at nag message kay Daniel na bilisan nila sa pagbaba.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay natanaw ko ng lumabas ng elevator yung dalawa na magkasunod. Itinaas ko ang kamay ko para makita kaagad nila kami.
"Good morning po." Sabi ni Niel kay Miss Jenyl.
"Morning. Let's eat, mag order kayo, my treat." Sabi lang ni Miss Jenyl at tumingin sa akin kaagad yung dalawa. Nagkibit balikat lang naman ako at hinintay na makapili 'yung dalawa.

BINABASA MO ANG
Six
عاطفية[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.