S I X
Chapter 29
Putangina, sasabog ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito. Ngayon lang naging ganito kalapit si Jenyl sa akin.
Plum.
Amoy na amoy ko siya at nararamdaman ko ang init niya. Tangina, hindi ba ako nananaginip lamang? Anong gagawin ko? Tangina, parang nanigas ang buong kalamnan ko sa pisikal na koneksyong ito. Naging tuod na yata ako.
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong tumaas pa ang kamay ni Jenyl mula sa bewang ko paakyat at pahaplos sa may shoulder blades ko.
Shit. Shit. Shit.
"Jenyl?" Tawag ko sa pangalan niya pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin.
Okay lang naman sigurong yakapin ko rin siya? Napalukok ako at una kong hinawakan ang braso niya at hindi ko man sinasadya ay nahaplos ko iyon. Putanginang kinis ng babaeng 'to.
Mas humilig pa siya sa akin at mukhang matagal pa bago niya alisin ang pagkakayakap niya sa akin.
"Jen?" Untag ko ulit sa kanya at dumanta na sa likuran niya ang kamay ko para ibalik ang yakap niya. "Is everything okay?"
Bago pa humigpit ang yakap ko sa kanya ay kumalas na siya ng yakap sa akin.
"Let's go." Sabi niya at siya ang sumakay sa driver's seat. Nakasakay na siya sa loob habang nakatanga pa rin ako r'on sa labas.
Binusinahan niya ako at parang nagising ang diwa ko. Madali akong sumakay sa passenger's seat at tumitig sa kanya.
"Jenyl, ano ..."
"Huwag mo akong kausapin, nagmamaneho ako." Sabi niya sa akin at naiikom ko naman agad ang bibig ko.
Tangina, yung kabog ng dibdib ko grabe lang. Pasulyap sulyap ako kay Jenyl pero hindi niya ako pinapansin. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Nag c-concentrate lang siya sa pag d-drive niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay hindi pa rin siya umiimik.
"Hindi ka na nag mamaneho, mag usap na tayo." Sabi ko sa kanya nang makababa kami ng sasakyan.
"Hijo, good evening." Sabi ng Dad niya sa amin.
"Good evening din po." Bati ko naman.
"Urgh! Calvin, get in the car." Sabi ulit ni Jenyl at sumakay siyang muli sa driver's seat.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta!" Sabi niya at sumunod naman ako sa kanya.
"Aba ay saan kayo pupunta na dalawa? Gabi na." Habol ni Sir sa amin at pinaandar na ni Jenyl yung kotse.
"Sige po Sir, ibabalik ko na lang po ang anak niyo mamaya. Good evening po!" Sabi ko habang nakadukhang sa bintana.
"Aba ay bumalik kayo agad!" Pahabol pa ni Sir at kita ko sa side mirror na napapailing ang Tatay ni Miss Jenyl.
"Jenyl, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know!" Malakas na pagkakasabi niya at kinagat ang labi niya.
"Are you okay?" Tanong ko. Tangina, ngayon naman kinakabahan ako. Sari-sari na ang nararamdaman ko. Para na akong nakasakay sa roller coaster pero feelings at emotions mo ang bumabaliktad.
"No? Yes. I mean, I don't know." Sabi niya.
Huminga ako ng malalim. Mukhang kanina ako ang mainit ang ulo pero ngayon ay parang siya naman ang kailangang kumalma.

BINABASA MO ANG
Six
Romansa[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.