Chapter 26

8.7K 433 123
                                    

S I X

Chapter 26

Pigil ko ang ngiti ko nang dumating si Jenyl sa opisina galing sa meeting.

“Thanks for waiting.” Sabi niya at dumeretso sa sa mga gamit niya habang kasunod naman niya ako. Kinuha niya lang ng bag niya at bumaba na rin kami sa parking area.

Nakasabay pa namin si President doon at lampas ang tingin niya ka Jenyl. Alam kong sa akin siya nakatingin. Pareho naman kami ni Jenyl na bumati sa kanya at hinintay na makaalis si President. Mukhang tinatantsa ako ni President para kay Jenyl.

“Let’s go.” Sabi ko at nauna na akong lumakad papunta sa kotse niya. Ngayon ko lang naisip na medyo dyahe pala nito. Sa aming dalawa ay si Jenyl ang may wheels pero sabagay okay lang ‘yon. Hindi naman paligsahan ‘to tsaka nagsusumikap naman ako. Isa pa ay alam kong hindi naman ako huhusgahan ni Jenyl dahil lang wala akong kotse. Hindi siya iyong klase ng babae na nasisilaw sa materyal na bagay.

“Anong meeting niyo? Buti maagang natapos.” Sabi ko kay Jenyl habang nasa biyahe kami.

“Launching lang ng bagong product. Na-review na naman ‘yon mabuti ng department natin, kailangan ko lang silang i-assure na ready na talaga yung item.” Sagot ni Jenyl.

Nice, hindi yata siya suplada ngayon.

“I see, gusto mong mag ice cream?” Tanong ko sa kanya.

“Sure, maaga pa naman.” Sagot niya ulit habang mukhang may hinahanap sa loob ng bag niya.

Damn, parang bigla akong kinabahan. Bakit parang pumapayag naman siya ngayon? Kung sabagay talagang may usap kami na mag i-ice cream kami pero ninenerbyos ko na ang easy yata ngayon. 

“Kinakabahan ako.” Sabi ko.

“Why?” Tanong niya at humarap siya sa akin.

“Hindi mo ako tinatanggihan ngayon.”

“Well I agreed to have ice cream with you last night.” Sabi niya at muling tumingin sa labas. Napasimangot naman ako. Oo nga naman, masyado ko lang binibigyang kulay ang mga bagay.

“How about dinner? Mag dinner na rin tayo.” Sabi ko sa kanya.

“Nag snacks kami kanina sa meeting. Ice cream na lang.”

Ayan, pinuna ko pang napayag siya, natanggihan tuloy ako.

“Okay.” Sabi ko.

Inihinto ko ng sasakyan niya sa isang ice cream place. Kagaya nang nagdaang gabi ay tumabi ako sa kanya.

“You smell so good, Jenyl.” Sabi ko sa kanya habang naghihintay ng order namin.

“Do I?”

“Yes. I love it.” Sabi ko sa kanya at namula ang mukha niya. Tangina, gusto kong haplusin ang pisngi niya.

“T-thank you.”

May epekto ako kay Jenyl. Shit. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at marahan kong minasahe iyon dahil para na namang sasabog ang puso ko.

Dumating ang order naming dalawa at nagsimula kaming kumain. Napansin kong nagpabalik balik ang tingin niya sa order niya at sa order ko. Nakakatuwa itong side na ganito ni Jenyl. Para rin siyang bata minsan. Halata kong mas gusto niya yata ang ice cream ko kaysa sa kanya pero hindi lang niya masabi.

Inilapit ko sa kanya ang cup ko at nag angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nag scoop sa ice cream niya.

“Palit tayo?” Tanong ko pa rin sa kanya kahit pa ba nagsimula na akong kainin ang sa kanya.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon