S I X
Chapter 15
Pumasok si Jenyl sa isang boutique at nagsimula siyang tumingin ng ilang blouse r'on. Nang walang mapili ay lumabas siya at pumasok sa kasunod na boutiue. Nilingon ako ni Jenyl at tumigil siya sa paglalakad.
"Susundan mo lang ba ako, Calvin?" Tanong niya sa akin at noon ko lamang din na realize na nakasunod pala ako sa kanya. Huminga ako ng malalim bago sumagod sa kanya."Wala ka namang kasama, wala rin akong kasama kaya sasama na lang ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Nang kumunot ang noo niya ay nag isip ako ng sasabihin pero parang hindi yata gumana kaagad ang pangangatwiran ko. "Huwag mo akong uutusan, hindi kita boss ngayon."
"Wow, okay." Sabi niya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tangina, ano naman at ganoon ang sinabi ko? Napaka asshole ng dating.
"Look, I'm sorry. I didn't mean to say it that way, I didn't mean to go over the line. Hindi ko sinasadya, ano lang, nabigla ako, h'wag mong isipin na wala akong respeto sa'yo..." Deretsong sabi ko at pakiramdam ko ay nagbubuhol -buhol ang mga salita sa bibig ko.
"It's okay you're right, I'm not your boss today and you're free to do whatever you want, kung gusto mong sumama sa akin then okay, walang problema." Sabi niya sa akin at nagsimula na siyang pumili ng blouse sa rack habang naupo naman ako sa ottoman na nasa gitna ng boutique.
Wala naman pa lang problema, maigi naman.
May kinuha siyang blouse na puti na may print na maputlang red. Habang hawak niya iyon ay namili pa siya ng ibang blouse sa ibang rack. May kinuha rin siyang black and white na long sleeves na medyo manipis ang tela.
"Maganda 'yung may print." Sabi ko at lumingon siya sa akin. Itinaas niya iyong blouse at tiningnan iyong mabuti.
"You think so?" Tanong niya sa akin.
"Oo, palagay ko ay babagay 'yan sa 'yo. Bagay 'yan sa complexion mo." Dagdag ko pa. Tangina, ano kayang alam ko sa complexion at sinabi iyon? Pero sigurado naman ako na bagay sa kanya pareho iyong blouse na napili niya. Naninipisan nga lang ako r'on sa black and white na hawak niya. Baka mamaya kapag isinuot niya iyon sa office ay mabali na ang leeg ng lahat ng makakakita sa kanya, lalo na siguro ako.
"Isusukat ko." Sabi niya at pumasok sa loob ng fitting room. Napatingin ako sa maliit ng kwartong iyon at sa may ilang pulgada na awang sa ilalim ay nakikita ko ang sakong at puno ng binti ni Jenyl. Naririnig ko ang pag kaluskos mula sa loob niyon at mabilis ang pagpasok ng ideya sa isip ko. Naghuhubad si Jenyl sa loob at ang maliit at manipis na pinto ang tanging pumapagitan sa aming dalawa.
Naisuklay ko ang daliri sa buhok ko. Narinig ko ang paglagitik ng lock at noon ko narealize na ina-anticipate ko ang paglabas niya suot ang blouse na sinabi kong bagay sa kanya pero naka t-shirt na ulit siya. Tangina, di man lang pinakita sa akin.
"Gusto ko pareho." Sabi niya lang at parang napaka suplada ng pagkakasabi niya sa akin. 'Yung parang nagmamalaki siya na bagay sa kanya pareho 'yung blouse. Dumeretso siya sa counter na bahagya pang naka chin up. Tumayo ako at sumunod sa kanya sa counter.
Kahit anong chin up di ka na tatangkad pa kaysa sa akin.
Sarap tirisin nitong babaeng 'to.
Nang makapag bayad siya ay automatic na kumilos ang mga braso ko. Kinuha ko ang paper bag na pinaglalagyan ng binili niya at lumabas na kami ng store.
"May bibilhin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman, bahala na kapag may nakita. Ikaw ang may bibilhin diba?" Tanong niya sa akin at tumango ako. Siya naman ang nakasunod sa akin nang pumasok ako sa store ng isang brand ng sapatos.

BINABASA MO ANG
Six
Romansa[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.