S I X
Chapter 1
Nahilot ko ang batok ko dahil nagsisimula na iyong sumakit. Dalawang oras na akong nakaupo sa desk ko at pinipilit matapos ang mga dokumentong hinihingi ng manager ko.
Lintik na Manager ‘to, palibhasa na promote kaya sobrang maldita. Hindi naman daw ganoon kagaling 'to, favourite lang ng may ari kaya pinapaboran. Di naman ako maakaangal dahil ako ang pinakabago sa team namin. Pero sigurado akong masama talaga ugali nito. Kapag nagalit ang buong team sa'yo, ibig sabihin ay ikaw ang may problema.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang pasado alas otso na ng gabi, kumakalam na rin ang sikmura ko. Tumayo na ako mula sa desk ko at pumunta sa pantry.
Kumuha ako ng instant noodles sa cupboard at nilagyan iyon ng maiinit na tubig.
Naupo ako sa may lamesa roon at tumanaw sa labas ng building, kitang kita ko ang mabigat na daloy ng trapiko mula roon, mabuti na lamang at hindi ako kasama sa mga bumabyahe pa para lang makapasok sa trabaho. Ilang street lang ang distansya ng apartment namin ng kapatid kong babae mula sa pinag tatrabahuhan ko.
Nang magsimula akong kumain ay pumasok doon ang manager namin at parang nawalan na ako ng gana bigla. Dumeretso siya sa vending machine at kumuha ng kape.
Nang makakuha ito ng kape ay hindi man lamang ako nito nilingon, nagkibit balikat lamang ako dahil baka hindi lang talaga ako napansin nito. Lumabas na rin agad siya ng pantry at bumalik sa opisina nito.
-
Alas nueve y media na nang matapos ko ang ginagawa ko. Sinend ko kaagad sa email ng manager namin 'yon at mabilis kong niligpit ang mga gamit ko para makaalis na ng opisina. Ayaw ko ng magtagal, uwing uwi na ako.
Papatayin ko na sana ang computer ko nang mag reply sa email ko si Manager.
“Didn’t you double check the file you sent to me, Mr. Manzanero?”
Napakunot ako sa sinabi niya at agad kong binuksan ang naka attach na file sa email na ipinadala ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon.
“Tangina.” Mura ko nang buksan iyon at nakita kong iyon ang mga notes kong may doodle sa mga naunang report na nireject niya sa meeting namin. Iniscan ko kasi iyon para isend sa team mates ko. Tangina, ito na kaagad ang napala ko sa kayabangan ko. Biglang nanlamig ang buong pagkatao ko.
Agad kong ini-attach ang file na talagang kailangan niya at saka muling isi-nend sa kanya. Palibhasa ay halos parehonh file name ang ginawa ko. Isang malaking katarantaduhan ko na ako rin ang napahamak.
Nice one, Calvin.
“I hope this is the right file I need. Next time put the word “Witch” right next to my name instead of doodling.” Reply niya sa akon at napadasal na lamang ako. Sa dinami dami naman nang mapapasend ay bakit ang notes ko pa? Tanginang tanga, eh.
Makapag handa na lang ng resignation letter.
-
Inagahan ko ang pasok ko para umiwas sa Manager namin. Alas siete pa lamang ay nasa opisina na ako maski alas nueve pa ang pasok namin. Mahirap na kapag nakita akong late ni Manager lalo pa at nakita niya ang mga doodles ko sa notes.
Tinakbo ko ang elevator na papasara at ihinarang ko ang kamay ko upang pigilan iyon. Swerte, mukhang babae ang kasabay ko sa elevator, amoy matamis sa dinaanan niya, amoy baby girl. Napangisi na lang ako sa na-imagine kong babae na kasabay ko, naka mini skirt tapos naka pink na blouse na manipis lang tapos medyo sinag yung bra.
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.