Chapter 17

8.5K 382 125
                                    

S I X

Chapter 17

“Sex on the beach, huh?” Tanong ni Jenyl pero blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

“Yes.” Sagot ko.

“I think I’d rather have beer.” Sabi niya at tumayo para sumunod kina Daniel. Tangina, bakit pakiramdam ko rejected ako? Not that I’m hitting on her. Shit, ano naman ‘yon? Tumungga ako sa bote at halos napangalahati ko iyon.

May tumapik sa balikat ko at nang tingnan ko ay si Clovis iyon.

"Hinay -hinay ka lang sa pag inom, baka pag nalasing ka ay hindi mo maihatid ang boss mo, sayang naman ang turo ko sa'yo." Sabi niya.

"Bakit ko naman ihahatid?"

"Ewan ko, may palagay lang ako na gusto mo siyang ihatid. Paano, aalis na ako. Ingat ka sa pagmamaneho, huwag mong bibilisan." Sabi niya at muli akong tinapik sa balikat bago tuluyang umalis.

Suminangot lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin doon sa tatlo na nasa counter. Mukhang nag order ng pagkain si Niel at Daniel. Nang bumalik sila sa table ay pare -pareho na silang may hawak din na beer.

Nag order sila ng appetizers at iba pang pagkain habang nag order si Miss Jenyl ng sandwich.

"Nag dinner ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa kami kumakain, nag order kami ng pizza at chicken wings ni Daniel." Si Niel ang sumagot kahit di naman siya ang kinakausap ko.

Nagsimula silang kumain habang pinapanuod ko lang sila. Hindi naman kasi ako nagugutom. Napansin kong tinitiklop ni Jenyl ang mga tissue na ginagamit niya. Bakit kaya naman tinitiklop?

Lumalakas na ang tugtog sa loob ng club at nagsisimula na ring madagdagan ang mga customers. Nasa counter na si Caleb at nag s-serve.

"Dami mo sigurong naging chicks dati n'ung dito ka pa nag tatrabaho." Sabi ni Niel.

"Hindi rin." Sabi ko at tiningnan ko si Miss Jenyl. Mukhang mas busy pa siyang obserbahan ang paligid ang kaysa makinig sa usapan namin.

"Hindi nga, ang dami mong na chicks dito 'no? Daming kolehiyala na napasok." Sabi pa ni Niel.

"Hindi nga kasi, may mga nakakausap ako pero di naman ako nan-chicks dati rito. Nakakahiya sa employer ko." Sagot ko.

"Diba kaibigan mo naman 'yon?"

"Kaya nga mas lalong nakakahiya."

-

May isang oras na kami roon at nagpaalam na si Daniel na uuwi na dahil sa mga anak niya. Si Niel naman ay may kausap na babae sa may counter. Mukhang ayaw ni brad umuwi mag isa. Naiwan kami ni Miss Jenyl doon sa table namin at napapansin kong nasa pangalawang bote na siya ng beer.

“May dala ka bang sasakyan?” Tanong ko sa kanya.

“Yes, kaya hindi ako pwedeng uminom ng marami, magmamaneho pa ako.” Sagot niya.

“Gusto mo pa bang uminom? Pwede naman kitang ihatid kung sakali, fresh na fresh pa ang lisensya ko.” Sabi ko sa kanya at natawa siya sa sinabi ko.

“Mag t-taxi na lang ako kaysa magpahatid sa’yo. Baka pareho pa tayong malasing at maaksidente lang tayo.”

Hindi ko alam pero ibang lasing at ibang aksidente ang naglalaro sa utak ko. Yung klase ng aksidente na walang kinalamam ang damit.

“Maski naman mag taxi ka ihahatid pa rin kita, baka kung saan ka pa dalhin ng taxi driver.”

“Wow, how judgmental of you.”

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon