S I X
Chapter 8
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Umiikot ang paningin ko at bakit parang ang tigas ng hinihigaan ko? Ang sakit sa likod. Nang sipatin ko ang lugar ay napansin kong nasa tabi ko ang kama. Nasa sahig din ako at walang suot na t-shirt.
Shit, si Miss Jenyl!
Mabilis akong bumangon at isinuot ang t-shirt ko. Nang muli kong iikot ang paningin ko ay parang may kakaiba sa kwarto. Wala si Miss Jenyl at sa paanan ko ay naroon si Niel, habang sa kama naman ay nakahiga si Daniel.
Madilim pa sa labas at nang tumingin ako sa relo ko ay alas quatro pa lamang. Hinilot ko ang sintido ko at lumakad palabas ng kwarto nila para bumalik sa amin. Gusto ko sa kama, ayaw ko sa sahig. Pero amoy alak din ako at naiinitan ako.
Nang makapasok ako sa kwarto namin ay agad akong dumeretso sa banyo para maligo.
Ang dami palang toiletries na dala ni Miss Jenyl. Pumailalim ako sa shower at inamoy ko isa isa yung shampoo, conditioner at body wash niya. Ganito nga ang amoy ni Jenyl. Parang gusto kong gamitin dahil ang bango kaso baka mahalata naman niya. Ginamit ko na lamang ang sabon at shampoo na provided ng hotel at nagsipilyo na rin ako matapos kong mag shower.
Kinuha ko ang towel sa rack at pinaikot iyon sa bewang ko at lumabas na ng banyo.
Napatigil ako pagkasara ko ng pinto ng banyo nang makita ko si Miss Jenyl na nakaupo sa coffee table at nakaharap sa laptop niya. Mukhang naging aware siya sa presensya ko dahil nag angat siya ng tingin.
Nag init ang mukha ko nang mapansin kong tumaas baba ang mga mata niya sa akin. Noon ko naalala na nakahubad pa nga pala ako. Napalunok ako at humarap ako sa bag ko at kumuha ng damit doon para madaling magbihis.
“Bakit di ka natutulog?” Tanong ko habang nagbibihis pa rin ako.
“I’m working here.”
“Puro ka trabaho, matulog ka rin minsan, Jenyl.” Bulong ko.
“Lasing ka pa yata.”
Napalundag ako nang magsalita siya at nakatayo na siya sa likod ko.
“Miss naman! Nagbibihis pa ako!” Sabi ko at tinakpan ang kahubdan ko.
“Oo nga at kukuhanin ko lang ang cellphone ko.” Sabi niya at nilampasan ako. Nakapatong sa bed side table ang cellphone niya at dinampot na niya iyon. Bumalik din siya kaagad sa may coffee table at patuloy na nagtrabaho.
“Matulog ka rin, Miss.”
“Ikaw ang matulog. Lasing ka pa yata.” Sabi niya sa akin.
“Seryoso, matulog ka rin.” Sabi ko at pinamaywangan siya nang matapos akong magbihis. Tinaasan niya ako ng kilay at parang uminit ang ulo ko pero ayaw ko rin namang makipagtalo sa kanya. Naisip kong boss ko siya at anytime pwede niya akong tanggalan ng trabaho.
“Bahala kayo, Miss, ang tigas ng ulo niyo.” Sabi ko at mahiga na sa kama ko patalikod sa kanya.
-
“Wake up.” Naulinigan ko ang boses ni Jenyl. Nakikita ko rin ng mukha niya. Maganda siya pala talaga kaso hanggang panaginip ko ba naman ay narito siya
“Tangina, pati ba naman sa panaginip boss ko pa rin?” Sabi ko lang at itinakip ang unan sa mukha ko. Pambihira naman kasi talaga.
“Look, hindi ko alam kung anong panaginip mo but I don’t think na napapanaginipan mo ako, or kung napapanaginipan mo man talaga ako I know you won’t consider it a good dream. Anyway, get up dahil aalis na tayo.” Sabi niya ulit.

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.