S I X
Chapter 19
“Bakit?” Naitanong ko sa kanya. Bakit kaya off limits? Walang off limits sa akin, liban na lang kung committed na, iyon lamang ang matatawag kong off limits.
“Hmm?” Tugon niya pero tumayo siya dahil dumating na si President kasama si Benedick Whatadick Cumberdick.
May ibinulong si Jenyl kay President at tumango naman si President. Nang pumaling sa akin si Jenyl ay napalunok ako.
“Let’s go, doon na muna ako sa team natin.” Sabi niya at hindi ko napigilan ang mapangiti. Nang lumakad siya ay kasunod niya ako. Sa lamesa ay kausap pa rin ni Daniel iyong kausap niya kanina habang si Niel naman ay nakita kong pabalik na rin ng lamesa.
“Miss Jenyl, ang ganda mo.” Sabi ni Niel kay Jenyl.
"Thank you, Niel. Nice hair cut." Sabi ni Miss Jenyl at napakurap ako.
"Thank you po." Sagot ni Niel. Gusto ni Miss Jenyl ang gupit ni Niel? Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko, nakinig pa mandin ako kay Clovis.
"Gusto niyo ng drinks? Kukuha ako." Sabi ni Niel at tumango ako. "Whiskey sa akin."
"Pailan mo na 'yan, tama ka na." Awat ni Niel sa akin at naupo siya sa tabi ni Miss Jenyl.
"Kaya ko pa naman, hindi naman ako basta malalasing." Sabi ko at napansin kong parang nagpipigil na ngumiti si Miss Jenyl.
"Kayo po Miss, anong sa inyo?" Tanong ni Niel.
"Tama na ako sa pag inom, mag d -drive pa ako." Sabi ni Miss Jenyl at tumango si Niel bago kumuha ng maiinom.
"Ihahatid nga kita." Bulong ko.
"Ihahatid samantalang di hamak na mas marami ka ng naiinom kaysa sa akin." Sagot ni Miss Jenyl pero naka diretso ang tingin niya. Hindi na ako sumagot at pakiramdam ko ay babarahin lang naman ulit ako ng babaeng ito.
"Hello Miss, you look amazing." Si Daniel iyon, mukhang tsaka lang kami napansin nang umalis na iyong kausap niya ng matagal.
"Thank you, Daniel. You too."
"Gusto mong sumayaw, Miss Jen?" Tanong ni Niel kay Miss Jenyl. Tangina, bakit kaya niyaya?
“Salamat sa pag alok, Niel pero I’m sorry I have to decline. Wala akong planong sumayaw tonight. I hope you understand.” Sabi ni Jenyl.
“Bakit naman, Miss?”
“Ayaw ko lang na maisip ng kahit sino na may mga pinapanigan ako. Lalo na kayo na dati kong team, ayaw kong isipin ng ibang supervisors na masyado na akong bias sa inyo.” Sabi niya.
Hirap naman n’on. Party nga pero di siya makapag enjoy dahil iniisip niya kami.
“Ganoon po ba? Sige okay lang dahil naiintindihan ko.” Sagot ni Niel, tumango naman si Daniel. Tangina, ano ‘yon? Plano rin niyang isayaw si Miss Jenyl?
Tumingin ako kay Jenyl na ngumiti lang din sa kanila.
Hindi siya pwedeng isayaw ni Pogi dahil mag iisip ang marami na may favouritism sa company. Di namin siya mayayang sumayaw dahil bias naman daw siya sa amin.
“Kapag walang ibang nakatingin or kapag hindi company event, pwede ka bang isayaw?” Mahinang tanong ko. Hindi siya nag react, hindi yata ako narinig.
“Isasayaw kita kapag tayong dalawa lang.” Sabi ko ulit at nanatiling wala siyang reaksyon at nakatingin siya sa mga desserts. Huminga ako ng malalim at tumayo para ikuha siya ng desserts. Mukhang nahihiya lang kumuha ang babaeng ito ng desserts dahil marami na siyang nakuha kanina.

BINABASA MO ANG
Six
عاطفية[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.