S I X
Chapter 31
Nag message ko kay Jenyl na hihintayin ko siy sa café na nasa ibaba ng opisina para sabay kaming umakyat magpunta ng office. Nakapila ako para mag order nang makita ko siyang pumasok siya sa café.
Damn. Pakiramdam ko may umaawit na anghel sa magkabilang tenga ko lalo na nang ngumiti siya sa akin.
"Good morning." Sabi niya nang makalapit siya sa akin.
"Good morning din, ang ganda mo." Nasabi ko at napailing lang siya sa akin.
"Thank you. You don't look so bad yourself and you're wearing a tie today." Puna niya at humawak sa necktie ko at tinuwid tin niya ang collar ko.
"Geez, I'm enjoying this." Sabi ko at tumawa siya.
"Let's order bago ka pa dalhin ng kung saan niyang isip mo." Sabi niya sa akin at bumitaw sa akin.
"Ah, aware ka pala sa ginagawa mo sa akin, huh?" I teased.
"Not really, minsan lang kapag you look like this. Your eyes are funny." Sabi niya at tumalikod siya sa akin para humarap counter. Lumapat naman ang kamay ko sa lower back niya nang mag o-order na kaming dalawa.
Nang maka order kami ay agad kaming lumabas para umakyat na sa office namin. Sa elevator ay hinawakan ko ang kamay niya pero agad siyang kumalas nang may narinig kaming humahabol paakyat.
"Good morning." Si Niel iyon na humahangos pa pero agad na tumaas ang kilay niya nang makitang magkatabi kami ni Jenyl sa loob.
"Good morning, Niel." Si Jenyl iyon at ngumiti kay Niel. Tinanguan ko naman si Niel at ngumiti rin sa kanya. Alam ko na 'tong tinginan niya sa akin, siguradong aasarin ako nito mamaya.
Nang tumalikod siya sa amin ay muli kong hinagip ang kamay ni Jenyl na kinakalas naman niya at kita kong nagpipigil siyang matawa. Nang hindi pumaling si Niel ay hinayaan na rin ako ni Jenyl na hawakan ang kamay niya hanggang sa makarating na kami sa office.
"Kayo na?" Tanong ni Niel nang pumasok na sa opisina niya si Jenyl.
"Huh? Hindi." Sagot ko.
"May tinginan kayong dalawa. Akala ko ba ayaw sa'yo?" Tanong ni Niel.
"Ewan ko lang din." Sabi ko at ngumiti lang sa kanya.
"Tangina, iba ang ngiti." Sabi niya sa akin at hindi na naman ako nag komento pa.
-
"Need anything?" Tanong ko kay Jenyl matapos ang lunch break. Hindi kasi siya lumabas man lang, baka crackers lang ulit ang kinain nito.
"No, I'm good. Thanks." Sagot niya at bumalik ang atensyon niya sa ginagawa niya. Hindi ko na naman siya inabala pa at hindi na rin ako nagtanong. Mas mabait siya sa akin at nginingitian niya ako pero propesyunal pa rin ang siya sa akin at pormal. Alam kong hindi siya matutuwa kung lalagpas ako sa boundaries namin bilang magkatrabaho.
Panay naman ang tanong sa akin ni Niel at Daniel pero nanatili akong hindi nag c-comment. Isa pa 'tong sigurado akong hindi ikakatuwa ni Jenyl, ang pag usapan kaming dalawa ng ibang tao.
-
Nag overtime si Jenyl kaya't overtime rin ako.
"Okay lang bang magtanong ako sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm? Tinatanong mo na ako." Sabi niya sa akin pero ang mga mata niya ay nasa computer niya pa rin.
"Curious lang ako kung anong gusto mong mangyari sa career mo, ang sipag mo pa rin kahit manager ka na."

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.