Chapter 12

9.7K 403 52
                                    

S I X

Chapter 12

May pinapa review sa akin na item sa akin si Daniel. Na review na ‘to pero i-double check ko raw ulit. Natingnan na ‘to ng ibang team pero mukhang hindi satisfied si Miss Jenyl kaya pinatitingnan kay Daniel na ipinasa naman sa akin ni Daniel. Ayos din ang mga ‘to.

Si Daniel at si Miss Jenyl ay may meeting kasama yung iba pang supervisors. Kami na lang ni Niel ang naiwan sa opisina at kagaya ko ay may iniwan ding trabaho si Daniel kay Niel. Satisfied naman kami sa pagiging supervisor ni Daniel pero naisip ko lang na mas napapadalas ang overtime ko nitong mga nakaraang araw dahil mas nakakahiya ang umuwi agad dahil mabait siya sa amin ni Niel, hindi kagaya ni Miss Jenyl na matapang sa amin.

Apat na oras ko ng ginagawa ‘to pero wala pa rin ako sa kalahati ng check list.

Tinapik ako sa balikat ni Niel.

“P’re lunch break. Mamaya na ulit ‘yan.” Sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa relo ko at napansin kong alas dose y media na halos. Mukhang pareho kami na nakalimot ng oras. Noon ko rin naramdaman ang gutom ko.

“Tara, saan tayo kakain?” Tanong ko sa kanya.

“D’yan na lang sa malapit para mabilis.” Sabi niya.

Nang lumabas kami ay parang pareho na lang kaming dinala ng mga paa namin sa McDonald’s dahil iyon ang pinakamalapit na pwede naming makainan.

Nag order si Daniel ng cheeseburger at chicken at ganoon din ang in-order ko.

Sumipol si Daniel at napaangat ako tingin. Nakatingin siya sa labas at sinundan ko ang tingin niya. Si Jenyl iyon at sumakay siya sa kotse kasama si President at yung lalaking may gusto raw kay Jenyl.

“Iba talaga yata ang tama ng pamangkin ni President kay Miss Jenyl. Binabalik balikan niya si Miss.” Sabi ni Niel.

“Tawagan mo si Daniel at pababain mo na, siguradong hindi pa rin kumakain ang isang ‘yon.” Sabi ko na lang. Ayaw kong mag komento tungkol kay Jenyl. Baka nahihiya lang ‘yon na tumanggi kay President kaya sumama rin.

Ginawaa naman ni Niel ang sinabi ko at kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si Daniel. Nanh maibaba iyon ay muli siyang tumanaw sa labas. Saa direksyon na pinuntahan nina Miss Jenyl.

“Kung sabagay maganda naman talaga si Miss Jenyl. Lalo na n’ung company outing natin.” Sabi ni Niel at nagpatuloy sa pagkain. Nagkibit balikat lamang ako. Ilang sandali pa ay kasama na namin si Daniel na kumakain.

“Bakit di ka kasama sa lunch ni President at ni Miss Jenyl?” Tanong ko kay Daniel. “Nakita namin sila na lumabas.”

“Si Pogi ang nag invite at si Jenyl lang naman talaga inimbitahan niya. Ang ginawa naman ni Jenyl isinama si President.” Sabi ni Daniel at di ko napigilan ang mapangisi.

“Ayaw niyang kasama si Pogi?” Tanong ni Niel.

“Ewan ko, mukhang hindi siya kumportable kay Pogi.” Sabi ni Daniel.

“Kulang lang sa date ‘yon. Mag date lang sila tsaka kilalanin nila ang isa’t isa.” Sabi ni Niel.

“Hindi, kung ayaw niya ay huwag. Mahirap ‘yung pinipilit.” Sabi ko naman at tumango si Daniel sa akin.

Ano nga kayang mangyayari kay Jenyl at kay Pogi? Pero kung ayaw niya huwag na siyang sumasama r’on dahil baka mamaya isipin naman ni Pogi na may gusto sa kanya si Jenyl.

-

Alas dos na nang makabalik si Miss Jenyl sa opisina at natatanaw pa namin sa labas si Pogi na gusto pa yatang pumasok. Nag uusap pa sila sa labas ni Miss Jenyl pero binuksan na ni Miss ang pinto ng opisina namin.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon