S I X
Chapter 40
Tatlong buwan na kaming magkalayo ni Jenyl at nagkakaigi naman kami. Every weekend ay nagkikita kami sa tuwing uuwi kami. Last na magkita kami ay last week sa kasal ni Eli at Savannah. Ngayong weekend ay hindi yata ako makakauwi dahil pinapa-rush bigla ni Shane ‘yung property niya. Target daw kasi ni brad na makalipat doon bago mag eleksyon.
“Mag asawa na rin kaya ako? Magpapakasal ako kay Mayor.” Sabi ni Shane at pareho kaming natawa ni Boss Marcus.
“Bakit naman bigla mong naisipang mag asawa?” Tanong ni Marcus.
“Wala lang, naisip ko lang.” Sabi niya at ngumisi lang sa amin.
“Naiinggit ka lang yata kay Eli, eh.” Sabi ko.
“Kaunti lang.” Sabi niya at hindi nawawala ‘yung ngiti niya. “Madali lang naman kasing magpakasal lalo na kung kay Mayor, wala pang fifteen minutes mag asawa na kayo.” Sabi niya at agad kong naisip si Jenyl. Asawahin ko na kaya ‘yon?
“Pwede naman akong magpakasal kay Mayor diba?” Tanong ko.
“Oo naman. Teka, mag aasawa ka na ba?” Tanong ni Shane.
“Gusto ko ng mag asawa.” Sabi ko at humalakhak si Marcus.
“Good luck with that, kid. Marriage is a scam.” Sabi ni Marcus.
“Hindi naman, lalo na kung mahal mo naman ang mapapangasawa mo.” Sabi ko at tinapik lang niya ako sa braso.
“Huwag mo ng basagin ang gusto nitong si Calvin, alam mong sa ating tatlo ay mas stable pa ang love life niya kaysa sa ating dalawa.” Sabi ni Shane.
“Wala akong sinabi tsaka ayaw kong mag asawa. Tingnan mo na lamang ang Tatay namin.” Sabi ni Marcus at humalakhak siya at natawa na lang din kami ni Shane. Anim silang panganay ng Tatay nila. Noong una ay akala kp fraternal twins si Marcus at Clovis dahil magka edad sila, iyon pala ay magkaiba lang sila ng ina. Malikot ang Tatay nila at di pa yata uso ang condom dati.
“Kumuha ka lang ng requirements at ikakasal kayo ni Mayor.” Sabi ni Shane at agad kong kinuha ang cellphone ko at nag research tungkol sa mga requirements na kailangan.
Nang abala na sila at iniwan na ako ay tumawag ako kay Jenyl. Sa ika apat na ring ay sinagot niya iyon.
“Hey, maaga yata ang tawag mo. Akala ko busy ka today?” Tanong niya sa akin.
“Magpakasal na tayo.” Sabi ko kaagad sa kanya. May sampung segundo siguro siyang hindi sumasagot at kinakailangan ko pang pukawin ang atensyon niya. “Jen?”
“Anong sinabi mo?” Tanong niya sa akin.
“Niyayaya na kitang magpakasal.” Sabi ko.
“Over the phone?” Tanong niya.
“Yes.” Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“Hold that thought and we will talk about that in person. May kailangan lang akong tapusin na project and I also want to see if you’re serious.”
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.