Chapter 34

9K 424 94
                                    

S I X

Chapter 34

“So, you’re my basher?” Tanong niya sa akin at nakataas ang kilay niya. Gusto kong kutusan talaga si Callie, sumusobra na talaga minsan ang batang ‘yon.

“H’wag kang masyadong magpapaniwala kay Callie.” Sabi ko habang nasa byahe kami pauwi sa kanila.

“Kahit naman hindi niya sabihin ang mga ‘yon ay alam kong hindi mo ako gusto noon.” Sabi niya. “Kayong lahat then si Patrick pa, I know you hated me more nang mawala si Patrick.” Sabi niya pero nakangiti lang siya habang nagsasalita siya.

“I was wrong. Sinabi ni Daniel sa amin kung ano ang dahilan kung bakit natanggal si Patrick. I’m sorry.”

“Bakit ka nag s-sorry? Wala namang kinalaman sa’yo ‘yon.”

“Kahit na, nakaka guilty lang.” Sabi ko sa kanya at dumeretso ako ng tingin sa kalsada. Hindi naman siya sumagot at humawak lang sa braso ko at humilig sa balikat ko.

Plum.

Damn it.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad ko siyang niyakap bago siya pumasok sa bahay nila.

“Everything okay?” Tanong niya.

“You smells so damn good.” Sabi ko at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.

“Talaga? Hindi ko naaamoy ang sarili ko.”

“Plum, gustong gusto ko talaga ang amoy mo.” Sabi ko sa kanya at narinig kong tumawa siya.

“Okay.” Sagot niya sa akin at yumakap na rin siya. Tinapik niya ang likuran ko habang humalik naman ako sa leeg niya. Ang bango talaga ni Jenyl.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon pero mabilis kaming naghiwalay nang may tumikhim sa likuran niya.

Ang Tatay ni Jenyl iyon.

“Talagang d’yan pa kayo sa labas, pumasok kayo sa loob at nakakahiya sa mga kapitbahay.” Sita niya sa amin. Sumunod naman kami ni Jenyl pero pareho kaming nagpipigil ng tawa.

-

“Kayo na ‘no?” Tanong ni Niel sa akin habang nagtatrabaho kami.

“Huh?”

“Huwag ka ng mag maang-maangan pa, obvious kayo tsaka narinig ko sa ibang department na kayong dalawa na nga raw. Sinundo mo daw si Miss Jenyl n’ung galing sila sa Hong Kong.” Sabi pa ni Niel.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako saa pag t-trabaho.

“Tangina, hindi nasagot. Ibig sabihin lang talaga n’yan ay kayo na. Idol talaga kita, brad. Congratulations.” Sabi pa niya at ngumiti lang ako. “Daniel, dapat inililibre tayo nitong si Calvin para mag celebrate ng success niya sa buhay.”

“Bakit? Sila na ba?” Tanong ni Daniel.

“Palagay ko. Mamaya sasabihin ko sa’yo ang mga detalyeng alam ko.”

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon