Chapter 35

9K 411 85
                                    

S I X

Chapter 35

Nasaan na ako? At anong lugar ‘to na halos mapuno na ng halaman? Iniikot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko ang isang malaking ulo ng usa na may mahahabang sungay na nakasabit sa pader. What the?

Nang tumingin ako sa bintana ay madilim na sa labas. May palagay kong nasa living room ako ng isang bahay pero hindi pa rin ako tiyak dahil umiikot ang paningin ko at parang may bag mamartilyo ng ulo ko.

Narinig ko ang tawanan sa may bandang likuran ko kaya’t tumayo ako at sinundan ang ingay. Right, nasa isang bahay ako, sa likuran ko ay may hagdan at mas marami pang halaman. Sa dining area nagmumula ang ingay na naririnig ko.

“Gising na pala ang bago mong empleyado, Marcus.” Sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala at may apat na pares pa ng mga mata ang tumutok sa akin.

“Hey man.” So Clovis iyon. Tumayo siya at inakbayan ako. “Ito na ang bago mong boss, si Marcus, kapatid ko, Marcus si Calvin pala, ang bago mong empleyado.” Sabi ni Clovis at tumayo ang lalaking nakaka intimidate ang hitsura, mukhang papaslang ng tao.

Inilahad niya ang kamay sa akin at inabot ko naman iyon. Mahigpit ang pagkakakamay niya sa akin kaya’t hinigpitan ko rin ang grip ko.

“Nice, mukhang palaban ang bata mo. Mabuti ‘yan at siya ang ihaharap ko sa kliyenteng maligalig.” Sabi niya sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko.

“H’wag kang mag alala, kami lang naman ang mga kliyente mo at hindi naman kami maligalig.” Sabi ng isang lalaki na tumayo mula sa upuan at lumapit sa akin. “My name’s Shane.” Sabi niya at nagkamay rin kaming dalawa.

“Vice Mayor siya nitong bayan.” Sabi ni Clovis.

“Nice to meet you.”

“Nice to meet you too, Calvin.”

“I’m Eli.” Sabi naman ng isa pang lalaki na kinamayan ko rin.

“Cornelius, pero Third na lang.” Sabi niya sa akin.

“Welcome to San Lorenzo.” Sabi ng lalaking nagpakilalang Vice Mayor ng bayan.

“Thank you.” Sabi ko at pumaling ako kay Clovis. “Anong ginagawa ko rito, tsaka saan ‘tong San Lorenzo?” Tanong ko sa kanya at kumunot ang noo niya.

“Nagpahanap ka ng trabaho sa akin at hinired ka ng kapatid ko. Nakausap ko na ang Mama mo at si Callie kanina at sinabi kong mag r-relocate ka na muna rito para sa bago mong trabaho.” Sabi niya at napakurap ako.

“Huh?”

“Sabi mo kasi gusto rin naman ni Jenyl ng promotion kaya lilipat ka na lang ng ibang trabaho.” Dagdag pa niya. Sa sinabi niyang iyon ay tsaka nag sink in sa akin iyong pag uusap namin ni Jenyl kanina.

“Oo, naalala ko na.” Sabi ko at naupo na rin ako sa lamesa. Napabuntong hininga ako, tatanggapin kaya ni Jenyl ang promotion? I think I’m holding her back. I mean deserve niya ang promotion ng walang kahit anong kapalit, maybe without me pwede niyang gawin ang kahit na ano.

“Medyo nakakainip lang dito sa bayan namin lalo na at galing ka sa siyudad pero makakapag adjust ka rin, tsaka i-enjoy mo lang ang kabundukan at mga bukirin dito, kung gusto mo naman ng dagat ay malapit labg din tayo saa dagat.” Sabi ni Shane.

“Okay lang, maganda nga ‘yon.” Sabi ko sa kanya.

“Okay lang mag start ka bukas? Dadalhin kita sa site.” Si Marcus iyon na magiging boss ko. Tumuwid ako ng upo at humarap sa bagong employer ko.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon