SIX
Chapter 4
“May nakita akong nakikipag date kagabi.” Sabi ko kina Daniel kinaumagahan sa trabaho.
“Sino?” Tanong ni Daniel. May dalang tasa si brad at umiinom ng kape.
“Si Jenyl, brad. May ka date kagabi.” Sabi ko.
“Oh? May date si Miss Jenyl? Nice, nakikipag date rin pala ‘yon.” Sabi ni Niel na may kape rin.
“You guys talking about me so early in the morning?” Boses iyon ni Jenyl at alam kong tatlo kaming nanigas sa mga pwesto namin na para bang napatingin kaming pare-pareho sa mga mata ni Medusa.
“I honestly don’t care, feel free to talk behind my back.” Sabi niya and she flipped her hair then entered her office.
“Putangina.” Mura ko at napaupo ako kaagad sa upuan ko dahil naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko.
“Shit. Narinig niya tayo.” Sabi ni Niel at naupo na rin siya sa upuan niya.
“Wala naman tayong sinabing masama. Nasabi lang natin na nakikipag date rin pala siya, pero bukod r’on ay wala na tayong sinabi.” Sabi ni Daniel pero alam kong kinakabahan din ‘to. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Tangina naman talaga.
“Relax lang kayo.” Sabi ulit niya sa amin at tumango lang kami ni Niel pero talagang kabado na ako. Itutuloy ko na talaga ang pag su-submit ko ng resignation letter.
-
Napakurap ako nang makita ko ang pay slip ko. Nag increase ang sweldo ko.
“Brad, tumaas ang sweldo?” Tanong ko kay Niel at Daniel.
“Oo, nagtanong ako sa ibang department pero parang tayo lang ang nag increase.” Sabi ni Daniel.
“Kinakabahan ako, bakit pakiramdam ko may pinaplano si Miss Jenyl sa atin.” Sabi ni Niel.
“Plano niya yatang ma trap tayo rito.”
“Di na muna ako mag susubmit ng resignation, malaking bagay sa akin itong increase natin. Di ako p-presyuhan ng ganito sa ibang kompanya kung lilipat ako.” Sabi ni Daniel. Tangina, mukhang malaki ang rate ni brad.
“Ako rin, saka na.” Sabi naman ni Niel. Di naman ako makaimik dahil may plano pa rin akong mag resign.
Saktong lumabas si Jenyl sa opisina niya at may dala itong tasa ng kape. Nilakad nga kaya ng babaeng ‘to ang increase ng sweldo namin? Kung talagang department lang namin ang tumaas ay may posibilidad na nilakad niya, pero bakit? Ano bang plano sa amin nitong babaeng ‘to?
“H’wag mo ng kaisipin, Calvin. Isipin mo na lang yung company outing natin, excited na ako.” Sabi ni Niel at ngumisi sa akin. Napangiti na lang din ako dahil agad na pumasok sa isip ko si Mica. Sana talaga mag two piece siya.
-
Hindi pa man naka two piece si Mica ay malaki na ang ngiti ko nang makita ko siya sa lobby ng building. Naka hanging blouse si Mica at nakikita ko ang tiyan niya sa tuwing kumikilos siya.
May mga naka assign na van para sa kada department at sa ikalawang upuan ng van. Sumakay na kami nina Daniel sa dulo ng van. Nang dumating si Jenyl ay hinanap niya yata kami. Nang makita niya kami ay dito rin siya sa likod pumwesto at nakatabi niya si Niel na mukhang biglang ninerbyos. Kanina ay relax na relax ‘to pero ngayon ay tumahimik si brad at hinugot na lang ang cellphone sa bulsa.
“Kabado si Niel.” Bulong ni Daniel sa akin na siyang nasa tabi ng bintana. Ako ang nasa pagitan nila ni Niel.
“Oo nga eh.” Sabi ko at ngumisi. Siniko naman ako ni Niel pero di ko na masyadong pinansin dahil maganda na ang pwesto ko.

BINABASA MO ANG
Six
Roman d'amour[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.