Chapter 16

8.7K 424 86
                                    

S I X

Chapter 16

Hindi masyadong naglalalabas si Jenyl sa opisina niya at ilang araw na rin siyang ganoon. Sa tuwing nagkikita yata kasi sila ni President ay kung anu-ano ang ipinagagawa sa kanya. Kumatok ako sa pinto niya at pumasok nang marinig ko ang tugon niya.

"Miss Jenyl." Tawag ko at tumunghay siya sa akin. Nag salung-baba siya at tinaasan ako ng kilay.

"Oh hi Calvin, anong magagawa ko para sa'yo?" Tanong niya sa akin. Tangina, sarcastic siya.

"Wala, pero kukuha ako ng kape sa pantry, baka gusto mong magpasabay." Sagot ko sa kanya.

"No thank you. I'll get it myself." Sabi niya at yumuko na ulit sa mga papel na binabasa niya, dismissing me. Nice. Nagkibit balikat naman ako at lumabas na. Suplada talaga nito.

Paglabas ko ay nakatingin sa akin si Niel.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ako na lang ang ikuha mo ng kape kung ayaw ni Miss Jen." Sabi niya at iniabot sa akin ang tumbler niya.

"Ikaw, Daniel?" Tanong ko na rin kay Daniel na iniabot din sa akin ang sa kanya.

-

Naroon si Mica sa pantry at kumukuha rin ng kape nang dumating ako.

"Hi, Mica." Bati ko sa kanya at maganda ang ngiti na isinukli niya sa akin. Buti pa ang isang 'to palaging maganda ang ngiti sa akin.

"Uy, busy ka ba mamaya? Kapag hindi ka overtime, samahan mo naman ako, may bibilhin lang ako." Sabi niya sa akin.

"Sige, sasamahan kita pero kailangan ko ring umuwi agad dahil may schedule ako kasama yung kaibigan ko pero sasamahan kita." Sabi ko sa kanya. Sasamantalahin kong walang trabaho si Clovis para maturuan niya akong magmaneho.

"Sige, thank you. Hintayin na lang kita mamaya."

"Sige, kita na lang tayo mamaya." Sabi ko. Humawak siya sa braso ko at pumisil pa ng bahagya r'on bago lumabas ng  pantry.

Bumalik ako sa office at nakita ko kaagad si Jenyl na nakaupo sa may coffee table at kausap si Daniel doon. Dami rin nilang meeting na dalawa ngayon.

Nang iabot ko kay Daniel ang kape niya ay ngumiti sa akin si Miss Jenyl.

"Calvin, could you please get me coffee from the cafe downstairs? I'm craving for something with caramel." Sabi niya at napatitig ako sa kanya. Seryoso ba ang babaeng ito? Office hours pero palalabasin niya ako para bumili ng kape sa ibaba? Tumingin din sa akin si Daniel at tumingin din siya kay Jenyl.

"Sure." Sagot ko lang at inabot sa akin ang cash niya. Muli akong lumabas at napansin ko si Niel na yumuko at tumutok sa computer niya. Baka iniisip ni brad na siya na ang kasunod na uutusan ni Jenyl kaya magpapanggap na siyang abala siya.

-

Caramel daw sabi ng mangkukulam kaya nag order ako ng caramel macchiato with extra caramel syrup.

Umakyat na ako sa itaas dala ang order niya at inilapag ko iyon sa table kasama ang sukli niya. Inaantay kong inumin niya iyong kape at titingnan ko ang reaksyon niya kapag natikman niya iyon.

"Parang inaalipusta ka na naman ngayon ni Miss Jenyl, anong nangyari?" Mahinang tanong ni Niel sa akin at sumulyap din siya kay Jenyl.

"Ah may nasabi akong hindi maganda n'ung nakaraan. Medyo sinagot ko siya kaya ito na ang nangyari." Sabi ko.

"Ku, ikaw naman kasi brad, h'wag mong kalimutan na boss pa rin natin 'yan. Kahit anong maldita n'yan minsan ay huwag mo na lamang pansinin. Tingnan mo ngayon at magkakape na lang may nalalaman pang caramel." Sabi ni Niel at ngumisi naman ako.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon