S I X
Chapter 21
Iniwanan ako ni Jenyl doon sa parking lot. Na bwisit yata talaga sa ginawa ko. Nang sumakay siya ng sasakyan niya ay pinasibad niya iyon kaagad. Napasimangot na lang ako at lumabas ng building. Naulan pa rin at wala akong payong kaya naupo na muna ako sa may lobby. Iniisip ko kung hihintayin ko ba ang pag tila ng ulan o magpapakabasa na lang ako. Siguro kung hindi ko binuhat si Jenyl kanina sa may hagdan baka hinatid pa ako n’on.
Nag message ako kay Callie na baka mamaya pa ako makauwi dahil sa ulan. Nag reply naman sa akin na dadalhan daw niya ako ng payong. Aba, may silbi rin naman ang isang ‘to.
Naghintay lang ako ng ten minutes at nakikita ko na so Callie na may dalang payong.
“Kung bakit kasi nagpapagabi ka pa, kaninang alas sinco naman hindi pa umuulan.” Sermon agad ni Callie sa akin nang abutin ko ang isa pang payong na para sa akin.
“Nag overtime nga kasi ako.” Sabi ko.
“Di na ba pwedeng bukas na ‘yon? Inabot ka tuloy ng ulan. Libre mo na lang ako, bayad mo sa pagdadala ko ng payong sa’yo.” Sabi niya.
Hindi na lang ako umimik dahil mapapagalitan lang ako lalo ng isang ‘to kapag nalaman niyang hindi ko naman talaga trabaho ang ginawa ko at pwedeng pwede na talaga akong umuwi ng alas sinco pero hindi ko lang ginawa.
-
“May problema ka ba? Nakakailang buntong hininga ka na kasi.” Sabi ni Callie habang kumakain kami ng hapunan sa bahay.
“Huh? Wala.” Sagot ko at kumuha na lang ako ng pizza at humarap sa TV para di ako masyadong mahalata ng bata na ‘to.
Pero dapat talaga akong mag sorry kay Jenyl. Tama siya, inappropriate iyong ginawa ko. Kahit pa ba pagod siya. Sana ay kinuha ko na lang ang gamit niya at ako ang nagdala kaysa naman iyong siya ang dinala ko.
-
“I’m sorry.” Sabi ko kaagad kay Jenyl nang dumating siya sa office. Maaga akong pumasok at hinintay ko siya na dumating. Hindi ko na pinansin kung nasa labas si Daniel nang pumasok ako ng opisina. Hindi naman kasi siya ang concern ko. “I’m sorry about last night. Alam kong hindi tama ang iniakto ko. Tama ka, it was inappropriate.”
Huminga ng malalim si Jenyl at tumingin siya sa akin na para bang sobrang frustrated at disappointed siya sa akin.
“I’m sorry.” Ulit ko.
“Okay. Just make sure na hindi mo na gagawin ulit iyon.” Sabi niya.
Hindi ko talaga gagawin, liban na lang kung gusto mo.
Pinigilan ko ang sarili kong sabihin iyon sa kanya. Baka maibato niya sa akin ang hawak niyang folder.
“Okay.” Sagot ko.
“Sige na. You may go.” Sabi niya sa akin at naupo na sa upuan niya. Nakinig naman aki at lumabas na rin agad ng opisina niya. Paglabas ko ay sumipol si Niel.
“Ano kayang ginawa ni brad na inappropriate kagabi?” Sabi niya pero kay Daniel niya iyon sinasabi.
Naiyukom ko ang palad ko. Medyo napipikon ako na pinag uusapan nila kami ni Jenyl at alam kong marumi ang kung anumang iniisip nila.

BINABASA MO ANG
Six
Roman d'amour[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.