Chapter 25

9.5K 469 231
                                        

S I X

Chapter 25

Dinala ko siya sa isang restaurant na hindi masyadong maraming tao. Imbes na maupo sa harap niya ay pinili kong maupo sa tabi niya. Sa corner kami pumwesto at doon talaga sa pader ang katabi niya.

“Okay lang ba na tabihan kita?” Tanong ko. Pag pinaalis naman niya ako ay walang problema. Mas gusto ko lang na malapit sa kanya at nang maamoy ko siya. Miss na miss ko na siyang maamoy. Talagang ‘yung pagsusuplada niya sa akin nitong mga nakaraab ay nakakasira ng bait. Gigil na gigil ako lalo sa kanya. Kung pwede ko nga lang panggigilan ‘to. Pwede naman, baka nga lang ipakulong ako nito kapag niyapos ko ‘to tsaka masama ‘yon, kapag ikaw lang ang may gusto. Iyon ang pinaka ayaw kong mararamdaman niya sa akin, iyong pakiramdam na hina-harass ko siya.

“You’re sitting beside me already but yes, sure.” Sagot niya at sumandal sa upuan. Humalukipkip siya at nag automatic na bumaba ang mga mata ko sa dibdib niya mula sa mukha niya. Talagang plump na plump. Parang ang lambot.

She cleared her throat at agad na bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Nakataas na naman ang kilay niya sa akin.

“I’m sorry.” Sabi ko at nahilot ko ang batok ko at napatingin na lang sa paligid. Tangina, huli sa akto. Nakakahiya.

“Let’s order, I’m hungry.” Sabi niya at tumuwid ng upo. Humingi siya ng menu sa sa waiter at nagsimulang mamili ng pagkain. Puro Asian cuisines ang nasa menu at nag order siya ng maki, dumplings at pad thai habang beef stir fry at kanin ang pinili ko. For sharing ang lahat ng iyon at may palagay na kaagad akong mahihirapan kaming dalawa na ubusin ang mga iyon.

Habang naghihintay kami ay napansin kong iniuunat ni Jenyl ang kamay niya.

“Nangangalay ang kamay mo?” Tanong ko.

“Oo.” Sagot lang niya sa akin.

“Akin na. Let me massage your hand.” Sabi ko.

“No.” Mabilis na tanggi niya. “I’m good, thanks.” Sabi niya at iniikom ang kamay niya. Ipinatong din niya iyon sa lamesa.

“Hindi ko naman sasamantalahin, bibigyan lang kita ng masahe.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Nakadalawang ulit pa niya akong balikan ng tingin bago nagbuntong hininga at ibinigay rin naman ang kamay sa akin.

Wala na, tinakasan na yata ako ng kaluluwa ko nang mahawakan ko ang kamay ni Jenyl. Alam kong minamasahe ko siya at pinipisil pisil ko ang palad niya pero marami pang bahagi niya ang gusto ko ring pisilin. Magpisilan kaming dalawa. Kung masahe rin naman ay walang problema sa akin. Maski full body massage pa i-request niya sa akin, with or withour happy ending ay tinitiyak kong pagkatapos ay baka sunduin na ako ni San Pedro.

“You’re good. That feels nice.” Sabi niya habang nakayuko sa kamay naming dalawa. Yumuko ako ng bahagya at iniangat ang kamay niya papunta sa labi ko. Nilapatan ko iyon ng mabilis na halik at rinig ko ang pagsinghap ni Jenyl.

Shit, ang kinis ng babaeng ‘to.

“Calvin!” Protesta niya. Akma niyang babawiin ang palad niya pero hindi ko binitawan ‘yon.

“Stay still. Part talaga ng masahe ‘yon. Alam mo ‘yung sa probinsya? ‘Yung binubulungan or dinadasalan.” Sabi ko ang ngumisi sa kanya. Nakasimangot siya at nanlilisik na naman ang mga mata sa akin.

“Sinungaling.” Sabi niya at lalo lang lumaki ang ngiti ko. That’s right, Jenyl.

“Hindi, totoo ‘yon. Napapanuod ko pa nga sa TV ‘yon dati ‘nung maliit pa ako.” Sabi ko sa kanya. Hindi siys nag komento pero hinila niya nang mas malakas ang kamay niya para makawala sa akin at nag succeed siya. Kukuhanin ko sana ulit ang kamay niya pero nagulat ako sa kasunod na ginawa niya. Pinalo niya ang kamay ko at may kalakasan iyon.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon