S I X
Chapter 38
Dala ang bag ni Jenyl ay pumasok kami sa bahay galing sa hotel pala ni Third. Dumaan na rin kami ng grocery store at palengke dahil walang stock sa bahay na pwede kong ihayin sa kanya. Puro kape at beer lamang ang naroon, idagdag pa ang canned goods at itlog. Bumili kami ng isda at gulay sa palengke dahil gusto raw niya ng pritong isda.
Nang makarating kami sa bahay ay iniakyat ko ang gamit niya sa itaas.
"Walang katre ang kama rito sa bahay." Sabi ko kay Jenyl. Nakatingin kaming pareho sa kutsyon at mabilis akong tumingin sa labas. Hindi ito ang oras para mag isip ako ng kung anuman.
"Saan ka natutulog?" Tanong niya. Siguro ay napansin ni Jenyl na wala akong gamit doon sa itaas.
"Sa sofa sa ibaba." Sagot ko sa kanya.
"Ang mga gamit mo?" Tanong niya ulit. Sabi ko na nga ba at napansin niyang wala akong gamit doon.
"Nasa ibaba rin. May room doon na office or study room ang purpose. Naroon ang mga gamit ko. Hindi ko naman kasi talaga nagagamit itong itaas." Sagot ko sa kanya.
"I see."
"Settle down for now, maghahanda lang ako ng hapunan natin."
"Okay, tutulungan kita mamaya pagkatapos ko." Sagot niya at pumasok siya sa banyo. Bumaba na naman ako at dumeretso sa kusina. Dapat kong i-divert ang attention ko sa ibang bagay para maiiwas sa Jenyl na nasa loob ng banyo.
-
Tangina. Mura ko nang maramdaman kong may yumakap sa likuran ko habang naghihilis ako ng gulay at alam kong si Jenyl iyon. Amoy na amoy ko siya. Plum.
"Jen?" Tawag ko sa kanya. Binitawan ko ang kutsilyong hawak ko at hinawakan ko ang kamay niya.
"Hi," Sabi niya at iniangat ang braso ko at sumingit siya sa pagitan ng katawan at braso ko. Ang cute niya at ang ganda ng ngiti niya sa akin.
"Hi." Sagot ko at ngumiti na rin ako sa kanya. Humarap ako at gumanti ng yakap kay Jenyl na bagong paligo. Tangina, mukhang mas masarap si Jenyl kaysa sa hapunan. Basa pa ang buhok niya at walang bahid ng make up ang mukha niya. nakasuot siya ng loose shirt na puti at kulay itim na maiksing shorts na halos hindi na rin makita dahil sa pang itaas niya. Goddammit. Ipino-proseso ng isip ko na wala siyang suot na pang ibaba.
Tangina, game na, gusto ko na.
"Anong maiitulong ko sa'yo?"
"Hmm? Huwag na, maupo ka na lang muna at ako na ang bahala rito." Sabi ko sa kanya at tumalikod na sa kanya. Sa iisang direksyon tumatakbo ang lahat ng dugo ko sa katawan. Nang maramdaman kong tumalikod na siya ay mabilis kong iniadjust ang pantalon ko. Nakakahiya.
Narinig kong nagbukas siya ng ref at mukhang tinitingnan niya kung anong meron doon.
"Okay lang na sumilip ako dito sa study room?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman." Sabi ko at nagsimula naman akong mag gisa ng gulay.
"Ang bango." Sabi niya at muling yumakap sa likuran ko.
Shit, mas mabango ka, baby.
Hindi nakakatulong si Jenyl sa nangyayari sa akin. Ang lambot ng dibdib niyang tumutuon sa likod ko. Plump na plump. Shit, gusto kong damhin ang mga iyon, idagdag pang ang bango bango niya.
"Baby, ako ng ang bahala rito, maraming libro sa study room na pwede mong tingnan." Sa sinabi ko ay kumalas na siya ulit sa akin.
"You're calling me "baby" again, nakakalimutan mo yatang mas matanda ako sa'yo." Sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.