S I X
Chapter 32
“Drop off na lang ako. No need to walk me inside.” Sabi niya sa akin nang malapit na kami sa airport.
“Sigurado ka? Pwede ko namang i-park muna ang sasakyan.” Sabi ko sa kanya.
“H’wag na, it’s okay tsaka kailangan mo pang pumasok sa trabaho.” Sabi niya. Hindi na rin ako nagpilit dahil tama siya.
“Okay.” Sagot ko sa kanya.
Agad akong bumaba para ibaaba ang gamit niya at pinasakay rin niya ako kaagad para raw makaalis na ako.
“Wait.” Sabi niya at muling sumakay ng sasakyan.
“May naiwan ka ba?” Tanong ko sa kanya at nagulat ako sa kasunod niyang ginawa. Lumapat ang labi niya sa labi ko. Wala pa yatang isang segundo iyon pero talagang naglapat labi kami.
“I’ll see you in three days.” Sabi niya at bumaba na habang naiwan akong nakatulala. Teka, hindi ba ako nananaginip lang? Nakatingin ako sa kanya hanggang maglaho siya sa paningin ko. Totoo ba ‘yung nangyari? Napataas ang kamay ko sa labi ko, lasang cherry. Lip balm ni Jenyl.
Natauhan ako nang may bumisina sa akin. Agad naman akong nagmaneho dahil nakakahiya sa kasunod ko.
Shit. Talagang hinalikan niya ako? Naisahan ako n’on. Alam ko na namang may gusto rin siya sa akin pero hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging first kiss namin. Hindi naman ako nag rereklamo, mas gusto ko nga lang yung matagal, malalim, mapusok.
Tangina, gusto kong tumalon sa saya. Nag kiss kami. Damn it. Yari sa’kin ‘yon pag uwi niya, lalantakan ko siya.
-
“Good morning, gusto mong magkape muna? Ang ganda ng ngiti mo.” Sabi ni Clovis sa akin. Nakayapak lang si brad na sinalubong ako sa labas ng bahay.
“Nagkape na ako, salamat. Ibabalik ko lang talaga ‘tong auto mo dahil papasok pa ako.” Sabi ko at ibinalik ang susi sa kanya.
“Sigurado ka? Nagluto ng almusal ‘yung kapatid ko.” Sabi niya sa akin.
“May kapatid ka?” Kunot noong tanong ko. Parang walang nababanggit na kamag anak sa akin ang lokong ‘to.
“Oo, marami akong kapatid tapos may isa pa akong kapatid rito na di ko naman talaga kapatid, basta dito siya nakatira.” Sabi niya.
“Ah ewan, aalis na ako.” Sabi ko sa kanya at lumakad na ako.
-
Dahil sa sobrang aga ko sa office ay tumawag ako kay Jenyl.
“You kissed me.” Agad na bungad ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag.
“Are you complaining?” Tanong niya at lumaki lang ang ngiti ko.
“Hindi, sinasabi ko lang. Gusto ko pa nga ng isa, eh.” Sabi ko at narinig kong tumawa siya.
“Hmm, baka matagal pa ulit bago ako isama ni President sa Hong Kong.” Sagot niya sa akin.
“Pwede rin naman ‘yung pagkagaling ng Hong Kong, di naman ako maligalig.” Sabi ko at narinig ko ulit na tumawa siya.

BINABASA MO ANG
Six
Roman d'amour[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.