S I X
Chapter 2
“Calvin, dalhin mo ito kay Mr. Ben. Tell him that he did great.” Sabi sa akin ni Miss Jenyl. Ipinatawag ako sa opisina niya para lang utusan akong dalhin ang isang folder lamang kay Mr. Ben na nasa kabilang office pa.
“Okay po.” Sagot ko na lang sa kanya. Alam kong walang kahit anong motivation at enthusiasm sa boses ko.
“Pagod ka ba? It’s only nine in the morning.” Sabi niya at napatuwid ako ng tayo.
“H-hindi po.”
“I see, para kasing any moment ay magrereklamo ka.” Sabi niya at iniikot niya paharap sa akin ang swivel chair niya.
“Hindi po, Miss.”
“Good, now please pakibigay na ‘yan kay Mr. Ben.”
Tumalima naman ako at hindi na nagpaalam sa kanya, baka mamaya ay kung ano pa ang sabihin niya sa akin.
-
“Cal, please set up a meeting with the other teams, tell their supervisors to be ready, I sent them the agenda for it.”
Nilingon ako ng dalawa ko pang ka-team nang marinig nila si Miss Jenyl na nagsalita mula sa pintuan ng opisina niya.
Naituro ko ang sarili para kumpirmahin kung ako nga ba ang tinutukoy niya.
“Yes, you.” Sabi niya at bumalik na sa opisina niya.
“Calvin, mukhang nanalo ka sa pamalasan.” Sabi ni Patrick at napailing siya, gayundin ang isa pa naming kasamahan.
Tumayo naman ako at sinunod ang iniuutos ni Jenyl. Parang ginagawa yata akong utusan ng mangkukulam.
Nang matapos ko ang iniutos nito ay kumatok ako sa opisina niya at narinig ko ang pagtugon niya na pumasok na ako.
“Nasabi ko na po sa kanila na may meeting.” Sabi ko.
“May meeting nga, I told you to set one up hindi lang ang sabihin sa kanila. Anong sinabi mong date and time?” Tanong niya at tumingala siya sa akin.
Shit.
Hindi ako nakasagot at umiling siya.
“Dapat may ma send kang schedule sa akin within the day, the meeting must happen within this week. Ask first kung may gagamit ng conference room dito sa 8th floor, then doon mo ibase kung kailan ang meeting.” Sabi niya habang nagsusulat sa notepad.
Within this week? Wednesday na!
“Then if lunch time lang free ang conference room then lunch meeting tayo. Make sure to prepare food for them, mag ready ka ng request letter for the budget.”
Tumunghay siya sa akin at napatuwid ako .
“Naintindihan mo ba ako?”
“Y-yes Ma’am, este, Miss.” Sagot ko. Tangina, parang commander umasta 'tong babaeng 'to.
“Nakuha mo lahat ng sinabi ko?”
“Po? Ah opo.” Sabi ko at tumaas ang kilay niya.
“I doubt that. Here, take this.” Sabi niya at iniabot sa akin ang notepad at kinuha ko kaagad iyon. Nakasulat doon ang mga ipinapagawa niya sa akin.
Isusulat din naman pala, nag litanya pa.
Tumango ako sa kanya at lumabas ng opisina niya para simulan na ang pinagagwa niya sa akin.
“Parang ginagawa ka yatang secretary ni Miss Jen.” Puna ng mga kasama ko.
“Power tripping ‘yan.” Sabi ko at sumimangot. Naaamoy ko na naman na overtime ako. Tangina, hindi na ako nakauwi ng sakto sa oras.
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.