Chapter 39

11.2K 490 98
                                    

S I X

Chapter 39

“Jenyl? Babe, wake up.” Sabi habanh marahang tinatapik ang braso ni Jenyl na mahimbing pa ring natutulog. Hindi man lamang siya kumibo at nag aalinlangan ako kung pipilitin ko siyang magising. Muli akong napatingin sa orasan. Alas siete ng umaga, parang alas quatro na yata kami ni Jenyl nakatulog. Napabuntong hininga ako at muli na lang nahiga sa kama. Pagagalitan na rin naman ako ng Tatay ni Jenyl at mayayari na rin lang naman ako ay susulitin ko na ang sandaling kasama ko si Jenyl.

Niyakap ko si Jenyl at hinalikan ang naka expose niyang balikat sa akin. Maigi pang matulog na lamang muna akong muli.

-

“Calvin…” Narinig kong tawag ni Jenyl sa akin at nararamdaman kong tinatapik niya ang pisngi ko.

“Hmm.” Tugon ko at niyakap lang siya ng mas mahigpit.

“Dad called.” Sabi niya.

“Yeah. Your dad might kill me, nagkausap na kami kanina.” Sabi ko at narinig ko ang pagsinghap niya.

“Kaya pala pinapauwi na niya ako. When did he call?” Tanong niya pero bago pa ako makasagot ay kumalas na siya sa akin at alam kong hawak na niya ang cellphone niya dahil naririnig ko ang pag t-type niya. “Shit.” Narinig kong sabi niya at napangiti ako dahil first time kong marinig na sabihin niya ang salitang iyon. Bumangon ako at nakita ko siyang isinisilid na ang mga gamit niya sa bag.

“Hey, relax.”

“Papaano ako mag r-relax. I know Dad and I know he’s thinking that we slept together.” Sabi niya.

“We did.” Sagot ko sa kanya.

“… and you’re right, baka nga patayin ka niya.” Sabi ni Jenyl at nanginig ang labi niya. Marahan ko siyang hinila pabalik sa kama at muling niyakap.

“Relax ka lang, babe. He won’t harm me.”

“How could you so calm?” Tanong niya sa akin at yumakap din sa akin.

“Hmm? Ngayon pa ba ako matatakot? I finally had you, Jen.” Sabi ko at hinalikan ang noo niya. “Di mo man lang sinabi sa akin na first time mo pala, medyo mapusok ako.” Dagdag ko pa at ngumisi sa kanya. Namula naman ang mukha niya at hinampas ako sa dibdib.

“Napakayabang mo, anong medyo? Walang medyo sa ginawa mo sa’kin.” Sabi niya at nananatiling mapula ang mukha niya at malakas naman akong natawa. She’s really like a baby sometimes. My baby.

“I’m sorry, I love you.” Sabi ko habang nakangiti. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaliguan ng halik ang mukha niya.

“Don’t be sorry, I wanted it and I love you too.”

“That’s good to hear dahil uulitin ko ang ginawa ko sa’yo kagabi ng maraming beses.” Saad ko at suminghap siya. Imbes na magsalita ay itinaklob niya ang kumot sa mukha niya at agad na dumistansya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang paghalakhak ko.

-

Magkahawak kamay kaming bumaba para mag almusal. Lumakad kami papunta sa café ni Raven at ka table namin doon si Savannah at si Sylvia na pinagkakaisahan ako.

“Jen, from now on your boyfriend will be our replacement brother for Dylan. Masyado na kasing busy ang isang ‘yon dahil sa pamilya niya kaya si Calvin na lang ngayon ang kukulitin namin.” Sabi ni Vannah.

“Sure, no problem. Please look after him for me.” Sagot ni Jenyl. Parang na out of place ako sa kanilang tatlo dahil kung mag usap sila ay akala mo napakatagal na nilang magkakakilala.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon