Chapter 10

9.3K 419 154
                                    

S I X

Chapter 10

Nang matapos kaming manuod ng movie ni Mica ay inihatid ko lang siya ulit sa bahay nila. Siguro naman sa mga oras na ito ay umuwi na rin si Jenyl. Anong oras na rin kasi.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Callie na nanunuod ng movie sa laptop niya. Naka connect sa bluetooth speakers iyon at rinig na rinig ko sa buong apartment namin ang sounds.

“Callie mag headset ka na lang, nakakahiya sa kapitbahay, anong oras na nanunuod ka pa. Ano ba ‘yang pinapanuod mo?”

Pinahina ni Callie ang sounds at nag angat ng tingin sa akin.

“The Force Awakens.” Sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

“What the? Kakapanuod ko lang niyang ngayon.” Sabi ko at tiningnan kung nagsasabi siya ng totoo. Talaga ngang iyon ang pinapanuod niya.

“The power of the internet. Anyway, sinong kasama mong manuod?” Tanong niya sa akin.

“Kasamahan ko sa trabaho.”

“Lalaki?”

“Babae.”

“Nag date kayo?”

“Not really. Yeah, siguro date ‘yon.” Sagot ko at nagkibit balikat. Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.

“Bakit not really? Bakit di ka sigurado?” Tanong ni Callie at sa pagtaas ng kilay niya sa akin ay biglang naalala ko si Miss Jenyl. Naipikit ko ang mga mata ko para alisin siya sa isip ko pero mas lalo lamang lumitaw ang mukha niya roon at nakataas din ang kilay niya sa akin. Hindi naman niya kamukha ang kapatid ko kaya bakit bigla ko siyang naalala?

“Hindi ko alam. Basta kaibigan ko siya sa trabaho, she’s nice.”

“Type mo siya?” Tanong ni Callie.

“Ang kulit mo. Ikaw, huwag ko lang malalaman na ay boyfriend ka habang nag aaral ka pa.” Sabi ko at sumimangot si Callie sa akin.

“Wala akong boyfriend pero marami akong crush.” Sabi ni Callie.

“Aba’t talagang …”

“I have self control as hard as my heart. Stone cold.” Sabi niya at inirapan ako.

“Dami mong alam.” Sabi ko sa kanya. Maka ilang saglit pa ay tumabi na ako sa kanya para panuorin ulit ang movie na pinanuod ko lang kanina kasama si Mica.

-

Pasara na ang elevator nang pumasok ako sa building kaya madali ko iyong tinakbo at pinigilan. Bumukas iyon at pagpasok ko ay nakita ko roon si Miss Jenyl na may hawak na kape.

“Good morning po, Miss.” Sabi ko sa kanya.

“Good morning, Calvin.”

“Anong oras po kayo umuwi kagabi?”

Putangina, bakit kaya tinatanon?

“At eight, I think.” Sagot niya ng hindi man lang ako tinitingnan.

Suplada, kala mo naman kagandahan. Maganda lang pero hindi sobrang ganda.

Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Nang makarating kami sa office namin ay naroon na si Daniel. Iba na talaga kapag supervisor na, ang aga niya palagi.

Binati niya si Miss Jenyl at ganoon din ako. Naupo na ako sa desk ko at binuksan ang computer ko.

Kagaya kahapon ay maghapon na namang hindi lumalabas ng opisina si Miss Jenyl. Niyaya na namin siyang mag lunch pero ayon sa kanya ay kumain na siya, kung lunch na bang matatawag ang crackers at kape.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon