Chapter 23

8.7K 454 143
                                    

S I X

Chapter 23

Bumili pa rin ako ng kape para kay Jenyl kahit hindi ako sigurado kung papasok ba siya. Okay lang kung hindi siya pumasok basta ba gagaling na siya at gaganda ang pakiramdam niya.

Nang pumasok ako sa opisina ay napansin kong nakaawang ang pinto ng opisina niya. Nang sumilip ako ay nakita ko siyang nagbubukas ng computer niya. Kumatok ako sa pinto at nag angat siya ng tingin.

“Hi, good morning.” Bati ko sa kanya.

“Good morning rin. Is that for me?” Tanong niya at tumingin sa cup na nasa kamay ko.

“Yes. Are you feeling better?” Tanong ko habang lumalakad papalapit sa kanya. Ibinaba ko ang kape sa ibabaw ng lamesa niya.

“Yes, I’m feeling better. Thank you.” Sagot niya at tumunghay sa akin. “Salamat din sa kape.”

“Sure. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka.”

“Okay, thanks again.”

Lumabas na ako at nagsimula na rin sa trabaho.

-

“Saan kayo mag l-lunch?” Tanong ko kina Daniel.

“Mag h-half day ako, may meeting sa school ang anak ko.” Sabi ni Daniel at tumango ako.

“Ikaw Niel?”

“Kung saan ka mag l-lunch.”

“Hindi ko alam. Saan mo gusto?”

“Kasabay mo ba si Miss Jenyl?” Tanong niya sa akin.

“Yayayain ko.”

“Di na ako sasama, sulitin mo na lang oras niyong dalawa.” Sabi niya ang ngumisi sa akin.

Nang yayain ko si Miss Jenyl na mag lunch ay pumayag naman siya. Nang itanong niya kung kasama sina Daniel at sinabi kong hindi ay parang nagbago yata ang isip niya. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Nag alinlangan yata bigla nang malamang kaming dalawa lang ang kakain.

“Okay, sure.” Sagot niya sa akin at tumayo na rin. First time ‘to na kaming dalawa lang ang kakain ng magkasabay. Hindi ko na itatanggi na excited ako.

“Saan mo gusto?” Tanong ko sa kanya nang magkasunod na lumabas kami ng opisina.

“Kahit saan ay okay lang pero gusto ko sana ng pasta.” Sabi niya.

“Sure.”

Nang pumasok kami sa restaurant ay naupo na siya kaagad sa may table malapit sa window.

Nag order siya ng pesto at ginaya ko lang ang sa kanya. Nag order din kami ng garlic bread at chicken.

“Masakit pa ba ang lalamunan mo?” Tanong ko sa kanya at napakunot ang noo niya.

“Papaano mo nalaman?” Tanong niya sa akin.

“Nag chicken soup ka kahapon at hindi ka uminom ng iced tea. Nagpakuha ka rin ng bottled water na hindi malamig.” Sagot ko sa kanya.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon