S I X
Chapter 30
Nang makauwi kami sa bahay nila Jenyl ay masama ang tingin sa akin ng Tatay niya. Halatang halata kasi na umiyak si Jenyl dahil namumugto niyang mata at namumula niyang ilong.
“Calvin, anong ginawa mo sa anak ko?” Tanong niya sa akin at napatingin naman ako kay Jenyl.
“Dad, wala siyang ginawa sa akin.” Sagot ni Jenyl.
“Bakit ganyan ang hitsura mo kung walang ginawa sa’yo ang lalaking ‘to?”
“Dad, wala talaga. I confessed my feelings for him and this is what happened. I couldn’t control my emotions.” Sabi niya at ramdam kong nag init ang mukha ko. Tangina, kinikilig ako.
“Ano po, medyo nagtalo kami kanina pero ayos na po kami.” Sabi ko at kumunot ang noo ni Sir sa akin.
“Yes meron lang kaming hindi napagkaintindihan kanina but we’re good now.” Sabi ni Jenyl at hinila ako papunta sa dining area. “Nag dinner na ba kayo?” Tanong niya sa Tatay niya.
“Oo, hija. Kung hindi pa kayo kumakan ni Calvin ay initin niyo na lamang iyong ulam. Akala ko kasi ay sa labas na kayo maghahapunan.” Sabi naman ng Mama niya. Para naman akong bata na hila-hila ni Jenyl habang pauli-uli siya sa bahay nila. Hawak niya ang braso ko at dala niya ako sa kusina habang nagbubukas siya ng ref. Pinapanuod naman kami ng Tatay at Nanay niya pero mukhang balewala kay Jenyl iyon.
“ Right, siguro sa labas na lang kami kakain ni Calvin.” Sabi ni Jenyl.
“Aba, lalabas na naman kayong dalawa samantalang kararating niyo lang.” Singit ng Dad ni Jenyl.
“Pabayaan mo na sila.” Sabi naman ng Mama ni Jenyl.
“Bibili na lang kami ng pagkain sa labas at dadalhin namin dito.” Sabi ni Jenyl at hila na naman niya ako palabas ng bahay nila. Ang sama ng tingin ni Sir sa akin. Naku, kung noong una mabait sa akin baka ngayon ay pulbusin na ako nito.
Pumunta kami sa McDonald’s at nag take out ng pagkain. Nag message rin ako kay Callie na gagabihin ako at kasama ko si Jenyl. Para namang adik na nag reply at support daw siya. Maski huwag na raw akong umuwi.
Pagbalik namin sa bahay nina Jenyl ay mukhang hinintay lang kami ng parents niya at pumasok na rin sa kwarto para magpahinga.
Sa living room na ihinayin ni Jenyl ang dala naming pagkain at binuksan niya ang TV. Nanuod kami ng documentary tungkol sa Gray’s monitor.
“Five feet in length? Wow, anong gagawin mo kapag nakakita ka n’yan sa personal?” Tanong ni Jenyl sa akin. Magkatabi kaming dalawa sa sofa at halos magkadikit na rin kami. Tumaas ang kamay ko at umakyat sa balikat niya para umakbay. My thumb brushing her exposed skin.
“Hmm, tatakbo ako. Carnivore ‘yan baka lantakan pa ako n’an.”
“Ako rin tatakbo dahil baka mamaya ay ako naman ang lantakan ng katabi ko. ‘Yang kamay mo.” Nakataas ang kilay na sabi niya at tumingin sa kamay kong nasa balikat niya. Inalis ko iyon at ibinalik sa harapan ko.
“Malikot lang ‘tong kamay ko pero mabait naman ‘to.” Sabi ko at ngumisi ako sa kanya.
Umismid siya sa akin at humalukipkip pero hindi dumistansya. Makailang sandali matapos niya akong tingnan ng masama ay sumandal na siya sa akin.
“Fine, it’s okay kung ngayon lang.” Sabi niya at humilig sa balikat ko. Tangina, ito na naman sa pagwawala ang puso ko. Lumaki ang ngiti ko at pumaling sa kay pinto dahil halatang halata naman ako kung sakali. Geez, ang ligaya ko.
BINABASA MO ANG
Six
Storie d'amore[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.