Chapter 11

9K 440 125
                                    

S I X

Chapter 11

Nang matapos ang presentation ni Jenyl at nakaupo na rin siya katabi ni President ay lumabas na muna ako. Dumeretso ako sa mall at nagpunta sa area ng mga bilihan ng skirt na pang babae.

May lumapit sa aking sales person at itinatanong kung ano ang kailangan ko. Sinabi ko naman iyon sa kanya at dinala niya ako sa aisle na puro skirt at blazers ang naka hanger.

Small, medium, large at extra large ang nakalagay na sizes. Napakamot ulo ako. Ano bang katumbas ng twenty seven na bewang sa ganito? Tinanong ko ang sales lady at ayon sa kanya ay pwedeng kasya raw sa medium o di kaya ay sa small.

Iniangat ko iyon pareho at tiningnan maigi. Kanina ay hawak ko ang balakang ni Jenyl, tinantsa ko roon ang kamay ko. Alinlangan talaga ako kung alin ang kakasya kay Jenyl.

“Ito na lang medium.” Sabi ko at ibinigay ng sales person sa akin ang stock ng skirt. Papunta na ako sa counter nang mapadaan ako sa area ng mga undies ng babae.

Panty. Kailangan din ni Jenyl ng panty. Naalala ko ang panty niya noong company outing namin. Tangina, ganoon kaya ang panty ni Jenyl ngayon?

Naka air-conditioned naman ang mall pero pakiramdam ko ay pinawis ako bigla. Pumapasok sa isip ko na isinusuot ni Jenyl ang mga ganito.

Ipinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Nag concentrate ako sa pagbili ng panty.

“Underwear po ba para sa girlfriend niyo, Sir?” Tanong sa akin ng sales person.

“Huh? Ah oo.” Sabi ko na lang para wala ng usap. May mga ipinakita siya sa akin at kumuha ako ng ka size ng paldang binili ko at agad iyong dinala sa counter. Kulay itim ang kinuha ko at palagay ko ay ganito ang pinaka common na panty sa lahat.

Nakatingin sa akin ng dalawang babae sa cashier at may palagay akong pag uusapan nila ako once na matapos ang transaction ko.

Bumalik na ako sa building namin. Nang pumasok ako sa opisina ay wala pa roon si Jenyl. Pagpunta ko sa conference room ay naroon pa siya pero mukhang nagpapaalam na siya at nagpapasalamat sa mga taong naroon.

Tumayo ako sa gilid at naghintay hanggang sa isa-isang maglabasan ang mga tao.

“You okay?” Tanong ko sa kanya nang matira kaming dalawa roon.

“Yes.” Sagot niya at huminga ng malalim.

“Here.” Sabi ko at iniabot ko sa kanya ang paper bag na dala ko.

“Ano ‘to?”

“Go change.” Sabi ko at tumalikod na sa kanya para magligpit ng mga gamit.

“Ano ang mga ‘to?” Tanong niya sa akin.

“Pamalit mo.” Sabi ko lang ulit sa kanya.

“Okay, thanks.” Sagot niya. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng conference room. Ipinagpatuloy ko naman ang pag liligpit ng mga gamit niya.

-

Hindi ko naiwasang tingnan mula ulo hanggang paa si Jenyl nang bumalik siya sa conference room. Buti naman at kasya sa kanya ang skirt na binili ko. Nag iwas naman ako ng tingin nang maisip ko ang panty na binili ko. Isinuot niya kaya? Damn.

“Thanks, Cal. ll pay you.” Sabi ni Jenyl mula sa likuran ko.

“Huwag na po, Miss. Okay na ‘yon.” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“No. Here.” Sabi niya at kinuha ang kamay ko. Inilapag niya sa palad ko ang dalawang one thousand peso bill.

“Miss Jenyl…” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong mapula ang mukha niya. Nag b-blush ba siya?

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon