Chapter 9

9.2K 389 67
                                    

S I X

Chapter 9

Tulala si Daniel nang lumabas ng opisina ni Miss Jenyl. Kanina nang pumasok ako r'on para sa kape ay hindi pa ganito si brad. Deretso lang siyang naupo sa desk niya pero nakaupo lamang siya r'on at nakatitig sa kawalan.

"Daniel, ayos ka lang?" Tanong ko. Tumingin din naman si Niel kay Daniel.

"Napaano 'yan?"

"Hindi ko alam. Tulala nang lumabas ng opisina ni Miss Jenyl." Sagot ko. Tumayo kaming pareho ni Niel at nilapitan si Daniel.

"Brad, anong nangyari?" Tanong ko ulit pero nanatiling hindi umiimik si Daniel. Narinig ko namang bumukas ang pinto ng opisina ni Jenyl at napapalingon ako sa kanya.

"From now on, you will be reporting directly kay Daniel." Sabi ni Miss Jenyl.

"Huh? Hindi na sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"I have other matters to do, may mga projects na napa assign sa akin galing kay President. My office will still be here pero kay Daniel na kayo mag re-report. Siya na lamang ang mag f-forward sa akin." Sagot niya.

"Promoted si Daniel, Miss?" Tanong ni Niel.

"Yes. Siya na ang supervisor niyong dalawa from now on and we'll also hire someone new." Sabi niya at pumasok na siya sa opisina niya. Pumaling ulit kaming dalawa ni Niel kay Daniel.

"Tangina, boss Daniel!" Sabi ni Niel at sinuntok ng mahina si Daniel sa braso.

"Congratulations, brad!" Sabi ko naman.

"Thanks." Sabi niya at nagsisimula ng ngumiti si brad pero parang di siya masaya.

"Bakit? Anong meron at parang di ka masaya?" Tanong ko na. Hindi ko na natiis.

"Si Pat."

"Anong meron kay Pat?" Tanong ni Niel. "Nagalit ba siya dahil ikaw ang supervisor?"

"Hindi, alam ko na kung bakit siya naalis dito." Sabi niya at nagbuntong hininga.

"Bakit?" Tanong ko.

"Embezzlement of funds." Sagot lang niya at napaka awang na lang ang bibig namin ni Niel.

"Damn." Sabi ni Niel at hindi na naman ako nag comment.

"Nakita sa system yung ilang transactions niya."

"Kaya pala inalis siya." Sabi ulit ni Niel.

"Anyway, congratulations. Magpapainom ka na ba?" Tanong ko na lang. Mukha kasing na stress pa yata si Daniel dahil sa nalaman niya tungkol kay Patrick.

"Magpainom ka nga!" Si Niel.

"Sige mamaya after office hours." Sagot niya.

"Nice."

Bumalik na kami sa kanya -kanya naming desk. Napatingin naman ako sa pintuan ng office ni Miss Jenyl. Bakit n'ung tinanong namin siya noong kakatanggal pa lang ni Patrick di na lang niya sinabi na may ginawa pala si Patrick. Ewan ko ba, parang bigla akong na guilty na pinag isipan ko siya ng masama n'on. Pero kinalma ko ang sarili ko at wala naman akong dapat na ika-guilty dahil kasalanan niya 'yon sa hindi pagsasabi sa amin.

-

"Gusto niyo pong sumama, Miss Jenyl? I-treat kami ni Boss Daniel." Yaya ni Niel kay Jenyl na agad rin namang sinegundahan ni Daniel.

"Thanks but next time na lang, I have other things to do." Sagot niya nang hindi man lang ngumingiti. Suplada pa rin talaga siya.

Tumango pa rin kaming tatlo sa kanya bago kami umalis. Dumeretso kami ng Silver Minx dahil huhusgahan daw nila ang dati kong pinag t-trabahuhan.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon