S I X
Chapter 24
Hanggang parking area lang pumayag na magpahatid si Jenyl dahil kaya na naman daw niya. Dumeretso ako sa Minx para doon na lamang ako magtagal.
Paulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Jenyl at may punto siya. Hindi ko pa talaga naiisip ang mga naiisip niya pero hindi naman ibig sabihin n’on ay panandalian lang ang pagkagusto ko.
Gusto ko talaga siya, tangina.
“Beer?” Tanong ni Caleb sa akin.
“Oo.”
“Kung hindi mo napapansin, you’ve been sighing for the past ten minutes.” Sabi niya at inilapag sa harap ko ang malamig na bote ng beer.
“Ganoon ba? Pagod lang ako.” Sabi ko.
“Kung pagod ka ay umuwi ka na.” Sabi niya sa akin pero umiling ako. Mamaya na ako uuwi kapag inaantok na ako.
Naisip kong wala man lang akong number ni Miss Jenyl. Pambihira naman talaga, hindi ko siya matatawagan kapag gusto ko tapos yung email niya na alam ko ay iyon pang sa company.
Gusto kong tumawag kay Jenyl at mag confess ulit ng feelings ko.
-
“May hangover ka ‘no?” Tanong ni Niel sa akin nang dumating ako sa opisina. Nagawa ko lang makabangon dahil tinadyakan ako ni Callie kanina. Hindi ko sinagot si Niel pero nakita kong sumulyap sa akin si Miss Jenyl.
“Uminom ka kagabi?” Tanong ni Daniel sa akin. Alam kong nakikinig si Jenyl.
“Sa Minx tsaka konti lang ‘yon, naroon kasi ‘yung nga kaibigan ko.” Sagot ko. Ayaw ko namanh isipin ni Jenyl na uminom ako para sa kanya at dahil sa pinag usapan namin kahapon.
Pasimple kong hinagod ng tingin si Jenyl at napalunok ako dahil parang gusto ko siyang haplusin. Ni minsan ay hindi siya nagsuot ng skirt na above the knee pero grabe, kapag ganitong naka skirt pa rin siya ay parang gusto ko na lang lumuhod sa harap niya.
“Konti lang samantalang hangover ka pa. Magkape ka.” Sabi ni Niel sa akin.
“Oo nga, tapos ikuha mo na rin kami ng kape.” Sabi ni Daniel. Tangina, inuuto pa ako ng mga ‘to.
“Ikaw Miss Jenyl, gusto mo po ng kape?” Tanong ni Niel.
“Yes please.”
“Sa ibaba na ako kukuha ng kape, bayaran niyo na lang ako. Ayaw ko na ng kape sa pantry.” Sabi ko at bumaba na agad ako bago pa sila magreklamo. Basta caramel macchiato ang kay Jenyl, bahala na yung dalawa sa oorderin ko sa kanila.
-
Maghapong nasa meeting si Miss Jenyl kasama sina Daniel habang naiwan kami ni Niel sa opisina. Mukhang may bago kasing project na kailangan nilang tingnan.
Kanina pa ako nag iisip ng excuse para makapasok sa conference room. Nagamit ko na yung nagdala ako ng kape para sa kanila kaya ngayon wala na akong maisip. Wala naman akong pakialam sa pinag uusapan nila, gusto ko lang makita si Jenyl sa conference room. Baka kasi mamaya nagiging tigre na naman siya r’on kahit mukha siyang kuting.
“Palagay mo ba wala silang kailangan doon sa conference room na dapat nating dalhin?” Tanong ko kay Niel.
“Wala na siguro, kung meron kasi sana kinuha na nila kanina pa tsaka huwag ka ng pumasok r’on at baka magalit lang sa’yo si Jenyl. Tiisin mo na muna, h’wag mo masyadong ipahalata na sabik na sabik ka.” Sabi ni Niel at nanghaba ang nguso ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Six
Romansa[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.