S I X
Chapter 22
Nag order ako ng caramel macchiato sa café sa ibaba ng office at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa ni Jenyl. Paglabas ko ng office ni Jenyl ay saktong pagpasok naman niya sa office namin.
Napatingin ako sa hawak niya. May coffee cup na siya sa kamay niya.
"I got you coffee." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kamay niya.
"Bumili na rin ako ng coffee. Sa'yo na 'yung binili mo." Sabi niya sa akin. Tangina, parang disappointed na agad ang pakiramdam ko ngayong umaga.
"No, para sa'yo 'yon."
"Pero bumili na nga ako, you can have it." Sabi niya ulit. Nilagpasan niya ako at kinuha niya mula sa table niya ang kape at ibinalik iyon sa akin.
"Fine. Bukas ay huwag ka ng bumili ng kape." Sabi ko sa kanya at huling huli ko ang pagtaas ng kilay niya.
"I'll buy coffee for myself, thanks." Sabi niya. Di na makalusot sa babaeng 'to.
"Okay." Sagot ko lang. Kailangan kong mag isip ng ibang bagay na hindi niya maiibalik sa akin. Tipid siyang ngumiti sa akin bago isara ang pinto ng office niya.
Naupo naman ako sa table ko at ako na ang uminom ng kape na dapat sana ay para sa kanya.
-
"Hindi mo ba yayayain mag lunch ang irog mo? Mukhang walang plano na mananghalian na naman." Tanong ni Niel sa akin nang sumapit ang lunch break.
"Ikaw na ang magyaya, Daniel. Baka tanggihan kapag ako." Sabi ko at makahulugan akong tiningnan n'ung dalawa pero hindi na naman sila nag komento.
Pumasok si Daniel sa office ni Jenyl at parang gustong sumabog ng dibdib ko nang kasunod na lumabas ni Daniel si Jenyl. Sasama siya sa amin!
"So, saan kayo mag l-lunch?" Tanong ni Jenyl. Hinahayaan ko naman na iyong dalawa ang mag decide at hindi ako nag c-comment. Napili nilang kumain sa isang roasted chicken place. Silang tatlo ay nagkasundo na kakain ng mashed potato, chicken at salad. Parang habang tumatagal din yata ay nakakasundo na rin ni Daniel at ni Niel itong si Jenyl. Mas pinapansin pa nga kaysa sa akin, lalo na 'tong madaldal na si Niel.
Nawala naman ang inis ko nang maupong magkatabi yung dalawa at nangyaring kaming dalawa ni Jenyl ang magkatabi.
Nag order na sila at nakigaya lang ako.
Sumulyap ako kay Jenyl at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o parang namumula ang mukha niya?
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Excuse me, mag r-restroom lang ako." Paalam ni Daniel at agad ring tumayo si Niel.
"Sabay na ako, p're."
Naiwan kaming dalawa ni Miss Jenyl doon sa lamesa at nagbuntong hininga siya.
"I'm fine, Calvin." Sagot niya na parang naiinis sa akin.
"Namumula ka kasi, baka masama ang pakiramdam mo." Sabi ko sa kanya at dumeretso na ako ng tingin.
"I'm okay."

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.