Chapter 37

9.7K 465 76
                                    

S I X

Chapter 37

Nang huminto ako sa tapat ng bahay ni Clovis ay huminto rin sa likuran ko si Jenyl. Halos sabay kaming bumaba ng sasakyan. Dumeretso naman ako sa loob ng bahay at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Natuyuan na yata kasi ako ng lalamunan.

Napalinga ako sa likuran ko at napansin kong hindi sumunod sa akin si Jenyl. Nang tumingin ako sa labas ay nakita kong nakatayo pa rin siya sa tapat ng sasakyan niya.

Geez, this woman. I missed her terribly.

Lumabas ako ng bahay at nilapitan ko siya.

"Bakit hindi ka sumunod?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ka namang sinabi." Sabi ni Jenyl at humalukipkip siya. Napabuntong hininga naman ako sa sagot niya. Talaga nga naman ang babaeng ito.

"Let's go inside." Sabi ko sa kanya. Alanganin naman siyang sumunod sa akin. Niyayakap niya ang sarili niya at gusto ko sanang ako ang gumawa n'on sa kanya.

"Nice house." Sabi niya at nakita kong inilibot niya ang paningin niya sa paligid. "Ikaw lang ang narito?" Tanong niya sa akin.

"Yes." Sagot ko, sumunod siya sa akin sa kusina at pinaupo ko siya sa may dining area. "Drink? I have here coffee, water and beer." Sabi ko sa kanya.

"Coffee na lang."

Tumango ako at nagsimula sa paggawa ng kape. Hinayaan ko lamang siyang nakaupo r'on sa may dining area habang nasa may sink ako. Napahinga ako ng malalim at napalunok ako. Tangina, sasabog na yata talaga ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o na eexcite ako.

Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi kami magkalaban at hindi rin ako galit sa kanya, kailangan kong isaksak sa isip kong mahal ko ang babaeng ito at hindi ko dapat pinananaig ang pride ko. Mas mahalaga siya kaysa sa pride ko.

Napatingin siya sa damit ko at noon ko narealise na may grasa pa ako sa damit.

"Sandali lang magbibihis lang ako, feel free to walk around." Sabi ko sa kanya at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Umakyat na ako sa itaas at doon na muna ako maliligo. Iyong ibabang bahagi lang talaga ng bahay ang ginagamit ko pero ngayong narito si Jenyl ay maiging doon na muna ako sa itaas maliligo.

Kumuha ako ng bagong t-shirt at isinuot ko iyon bago ako bumaba. Tinutuyo ko pa ang buhok ko nang makita ko si Jenyl na naroon pa rin sa dining table at parang hindi naman siya umalis o tumayo man lamang.

Kumuha ako ng dalawang tasa at sinalinan iyong parehas.

"Here." Sabi ko sa kanya. Nanatili naman akong nakatayo at nakayuko sa kanya. Hinawakan niya ang tasa at tumitig siya sa kape niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"So, you have a new job here?"

"Yes." Sagot ko.

"That's why you went AWOL." Sabi niya. Hindi ako sumagot at humigop lang ng kape. Ano bang dapat kong sabihin.

"I missed you." Bulong ko.

"You walked away from me."

"I'm regretting that."

Katahimikan.

Ibinaba ko ang kape ko sa lamesa at sumandal sa pader.

"I'm sorry." Sabi ko.

"You swore that you'll never walk away from me again but you eventually did." Sabi niya.

"I know and I'm sorry, Jenyl I was wrong." Sabi ko. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya pero hindi ko alam kung okay lang bang gawin ko iyon.

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon