Chapter 7

9.7K 424 134
                                    

S I X

Chapter 7

Dahil busy sila sa pag uusap at pagkakape ay hiniram ko kay Daniel ang dala niyang notebook at ballpen. Noong una ay nagsusulat lamang ako ng kung anu ano hanggang sa nag simula na akong i-sketch ang paligid ko hanggang sa si Jenyl na ini-sketch ko.

Isakay ko kaya ulit sa walis ‘to? Kaso di naman bagay sa drawing ko, mas okay kung sa doodle. Napakunot lang ang noo ko at ipinagpatuloy ang pag sketch ko sa kanya. Pasulyap sulyap lang ako sa kanila, seryoso na silang nag uusap tungkol sa mga plano nila sa opisina.

Inilipat ko sa ibang page ang ang notebook at nagsimulang mag doodle r'on, kaso baka naman makita na naman nito na ginawa ko siyang mangkukulam. Maigi pa ay gawin ko na lang siyang diwata. Maligno rin naman 'yon.

Tumingin sa akin si Miss Jenyl at pinaningkita ako. Yumuko naman ako kaagad at hindi na rin niya ako ulit pinansin, Busy sila ni Daniel sa pag uusap at hindi naman ako nakikialam. Mas mataas naman kasi di hamak ang position ni Daniel kaysa sa akin.

"Miss, tumaas ang sweldo namin n'ong nakaraan." Sabi ni Daniel bigla,

"Good." Sabi lang ni Miss Jenyl. Yung ekspresyon niya ay parang nagsasabi na "dapat lang".

"Thank you." Sabi ni Daniel.

"You're welcome. My team deserves more." Sabi niya. Ibig sabihin ay nilakad nga niya ang pag taas ng sweldo namin. Pero ang yabang pa rin talaga ng isang 'to, di man lang nag pa humble.

"There's another good news soon I hope." Sabi niya sa amin at sumimsim ng kape niya.

"Ano pong plano niyo sa amin?" Tanong ko kay Jenyl.

"I need a dependable team, isang team na hindi ako isasabotahe at isang team na mapagkakatiwalaan. Maraming confidential na bagay sa department natin and most of the crucial projects ay sa inyo ko ibinibigay dahil ako ang direct na nag hahandle sa inyo. I want to deliver the best results therefore I need you guys to exert your best efforts kaya ginagawa ko rin ang magagawa ko para mabigyan kayo ng higit pang benefits dahil kailangan ko kayo. I want you guys to stay with me. As for you Calvin, you need a lot of improvements." Sabi niya.

Parang di naman 'yon ang sagot niya talaga dahil nag alangan pa siya sa pagsagot, baka gusto lang talaga nitong i-point out ang flaws ko. Okay lang, tanggap ko naman talaga na kailangan ko pa ng improvements.

"Okay po."

"So, mayroon ba sa inyong may planong mag resign anytime soon?" Tanong ni Jenyl at 'yung dalawang kasama kong traydor ay parehong humarap sa akin. Tangina, parang sinabi na rin nila na ako ang may planong mag resign.

Hindi ako kumibo at humigop na lang din sa tasa ko.

"Wala pa naman sa amin ang gustong mag resign, lalo na itong si Calvin dahil kaka-regular lang niya." Sabi ni Daniel. Tumingin ako kay brad, kakampi ko ba 'to o kalaban?

"Good." Si Miss Jenyl ulit. Mga ilang oras din kaming naroon bago sila magpaalam si Miss Jenyl na aakyat na raw muna siya sa kwarto. Sumunod naman kaming tatlo sa kanya pero doon na muna ako nanatili kina Daniel pero nang tulugan ako n'ung dalawa ay napilitan lang din ako na bumalik na sa kwarto namin ni Miss Jenyl.

Nagliligpit si Miss Jenyl ng gamit niya at nakalupagi sa sahig. Lalo ng nagmukhang diwata dahil gumawa ng parang bilog ang mahaba niyang damit.

"Anong oras po ng alis bukas?" Tanong ko sa kanya.

"Ten in the morning after ng breakfast." Sagot niya.

"Nagliligpit na po kayo agad ng gamit?"

"Yes."

SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon