Prologo

4.1K 61 1
                                    


At the age of seven nawalan na ako ng ina at bunsong kapatid. Hindi sila namatay. They just left me. Tumakas si mommy sa mapagpabaya kong Daddy. Isinama niya si Erin, ang bunso kong kapatid. Ang sabi ni mommy babalikan niya ako, pero dumaan ang mga araw, buwan at taon hindi niya ako binalikan. Naiwan ako sa poder ni Daddy. Madalas akong mabully sa school dahil laging walang mommy na umaattend sa mga affairs ko sa school, at wala ding Daddy dahil busy si Dad sa negosyo niya. Madalas si Yaya Judith ang nandon.

Natuto akong lumaban sa mga nambubully sa akin kaya magmula noon nawalan ako ng kaibigan. Umiiwas na sila sa akin dahil sa takot na masaktan ko sila. They called me 'Little Dragon'. Nagmana dw ako sa ama ko na ubod ng sama ang ugali. Despite of being bad in their eyes nanatili akong nangunguna sa klase. Nagkaroon pa ng issue ang pagiging Valedictorian ko nung elementary.

" How can a child like her be a Valedictorian?! Mrs. Principal ang sama ng ugali ng batang yan! Kasing sama ng ugali ng Ama niya!" Protesta ng ina ng batang katunggali ko sa pagiging Valedictorian.

" Aba teka lang ho Mrs. Saavedra, hindi naman po yata tama na pagsalitaan nyo ang alaga ko ng ganyan!" Sabad ni Yaya.

Dinuro ng babae si Yaya Judith.

" Hoy ikaw! Huwag kang sasabat sabat diyan! Know your place! Isa ka lang naman dakilang tsimay ng demonyitang batang ito!" Nanggagalaiting sabi ng babae.

" Mrs. Saavedra, lower your voice. Nandito ka sa opisina ko." Awat naman ni Mrs.Principal.

" I dont care kung nandito ako sa opisina mo! Nagbabayad ako ng maayos sa skwelahang ito tapos malalaman kong ang batang ito ang Valedictorian at hindi ang anak ko?!" Mataas ang boses na sabi niya.

" Because she passed all the criteria, Mrs. Saavedra. Mas mababa ang grades ng anak mo." Sabi naman ni Mrs. Principal.

" How can she passed if she's not good in moral character?!" Sigaw ulit ng babae.

Hindi na ako nakapagtimpi at sumabad na ako sa usapan nila.

" Mrs. Saavedra if you want that place for your daughter you should teach yourself first to accept loosing. I may not be good in moral character but i know how to accept loosing in a battle." Sabi ko.

Nakita kong patagong napangiti ang principal. Nanlaki naman ang mata ng babae.

" Aba't! Tingnan mo ang kabastusan ng batang ito! Ganyan ba ang valedictorian?!" Sigaw nya sa principal.

" Being Valedictorian is not about how you talk to other, its about performance in school. And about my moral character, They just bullied me and i fought back. And your daughter is one of them. So how could  your daughter be the valedictorian if she's bullying her schoolmates? We're just the same." Sabi ko.

" You little devil!" Sigaw niya.

" Watch your mouth Mrs. Saavedra! Alalahanin mong bata yang kaharap mo! The commitee has decided, Amelia Eunice will be our school Valedictorian." Pinal na sabi ng Principal.

Nagpupuyos sa galit na nag walk out ang babae. Walang emosyon naman akong tumingin sa principal.

" Good Job Eunice." Bati sa akin ng principal.

Hindi ako sumagot sa principal. Tumayo ako at lumabas na ng principal's office.

Tinanggap ko ang lahat ng medalya ko ng araw na yon na si Yaya lang ang nagsabit sa akin. Out of the country si Daddy noong araw ng graduation ko sa Elementary. Nang mag aral ako ng high school ay mas dinagdagan pa ni Daddy ang mga bodyguards ko. Dati ay dalawa ngayon ay apat na. Nasa 4rth year high School ako ng kinuhanan niya ako ng private assistant. Pagkagaling ko sa School ay dumiretso ako sa isa sa mga hotel namin kung nasaan ang opisina niya. Chain of hotel and restaurant ang negosyo ni Papa.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon