Wakas (Jacob's POV)

2K 53 6
                                    

Bata pa ako pinangarap ko ng maging sikat na singer. Habang nag aaral ako ay madalas akong sumasali sa mga singing contest. Madalas naming pag awayan ni Daddy ang karera na gusto kong piliin. Kaya tinapos ko muna ang pag aaral ko para wala siyang masabi.

Naging singer nga ako. Nagsisimula pa lang ako sa karera ko sa pag awit ng makita ko ang babaeng bumihag ng puso ko. I find him cute wearing his school uniform. Nakita ko siya ng minsan na mag check in ako sa isang hotel sa Batangas. Naglakas loob akong magpakilala sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Tinitilihan ako ng mga babae at nagkakandarapa sila sa akin but this woman... dinedma lang ako. Ginulo ng babaeng yon ang buhay ko. Pati ang puso ko, ang masama hindi ko nakuha ang pangalan niya. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita.

Tragedy came in my family. Nalulong si Daddy sa sugal at nalugi ang mga negosyo niya. Binili ng kaibigan niyang si Tito Enrico Montefalco ang mga hotel at restaurant namin at hindi na muling nabawi pa ni Daddy, hanggang sa isang araw ay naaksidente si Daddy. Akala nila ay namatay ito pero nabuhay siya.. Itinago ko siya sa Isabela. Alam kong si Enrico Montefalco ang gumawa nito sa Daddy ko kaya nagplano akong maghiganti.

Umayon sa akin ang pagkakataon at naging malapit ako kay Don Enrico. Dalawang taon mula ng mapalapit ako sa kanya ay inalok niya akong pakasalan ang anak niya. Matapos ko siyang tanggihan ay binantaan niya akong sisirain ang career ko. Nung una binalewala ko pero tinotoo pala niya ang banta niya. Nawalan ako ng mga shows at unti unti na akong nalalaos.

Masakit man para sa akin na hindi ko na makikita pang muli ang babaeng nagpatibok sa aking puso ay pumayag ako sa kagustuhan ni Mr. Montefalco. But to my surprise ang anak pala niya ay ang babaeng matagal ko ng hinahanap. We got married at tumira ako sa kanila. Pero hindi ko inakala na ang babaeng bumihag sa aking puso ay masama din pala ang ugali gaya ng kanyang ama.

I tried my best para makuha ko ang loob niya. Oo binalak kong maghiganti sa ama niya pero ng makita ko ang buhay niya sa piling ng kanyang ama at makilala siya ng lubusan ay kinalimutan ko ang paghihiganting binabalak ko. Minahal ko siya at ayoko na siyang iwanan pa.

Dahil sa yamang mayroon sila kaya marami din silang kaaway na hindi nila namamalayan. Pero handa ko siyang ipagtanggol sa mga taong yon. Muli silang nagkita ng mommy niya at ng kapatid niya. Nakita ko ang hinanakit niya sa mommy niya at alam kong matagal pa bago maghilom ang sugat na yon.

Muling sinubok ang pagmamahal ko sa kanya ng humingi ng tulong sa akin ang ama niya para malaman kung sino ang totoo nilang kaaway. Kailangan kong isakripisyo ang pag iibigan namin alang ala sa kaligtasan niya dahil sa kanya nakapangalan ang lahat ng ari arian nila na hindi niya alam.

I need to ruin myself to her. Ginawa namin ang pagpapanggap na ako ay nagnakaw ng pera nila at kailangan akong ipatapon ng ama niya.

She came home with her dad habang hawak ako ng mga bodyguard nila. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Pero kailangan kong gawin ito para sa ikaliligtas niya. Umuwi ako ng cebu non gaya ng plano namin ng ama niya. Pero nakatanggap ako ng tawag sa ama niya na may bomba ang helicopter. Iniligtas ko ang ama niya, ginawa ko ang lahat para maidala siya sa Canada kung saan gusto ng mommy niya na idala ko ang daddy niya.

Nang mag migrate siya sa Canada kasama ang mommy niya at kapatid ay nagpasya akong manirahan sa London. Yung malayo sa kanya. Apat na taon ako doon bago ako nagpasyang sa Canada na manirahan malapit sa kanya. I became her stalker. Nakita ko ang pagbabago sa kanya. The way she talked changed. Natuto siyang mamuhay ng simple. Marunong na siyang makihalubilo sa ibang tao at marunong na din siyang tumawa at umiiyak.

Lingid sa kaalaman niya ay nasa tabi lang niya ako. Kulang na lang ay sumugod ako sa twing magkasama sila ni Lance. Wala ding kaalam alam ang mommy niya na nasa Canada na ako. Wala din silang alam na magkapatid na buhay pa ang ama nila at nakikipaglaban pa kay kamatayan.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon