CHAPTER 38

1.1K 34 0
                                    


Isang buwan ang mabilis na lumipas. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Kahit paano ay nakamove on naman na ako sa mga nangyari. Kinausap ko din si Rob na huwag ibibigay kay Jacob ang address ko dito sa Canada kung sakaling tanungin siya nito. Ang mga hotel namin sa Pilipinas ay ako pa rin naman ang nag aasikaso, tru videocall nga lang ako nakikipag meeting sa kanila. At ang mga kailangan kong pirmahan ay idinadala nila dito sa akin minsan sa isang buwan. Ibinenta ko na din naman ang ibang mga hotel namin. Ang hotel na lang namin sa Makati, Boracay, Antipolo, Tagaytay at Baguio lang ang itinira ko. Ibinigay ko ang Hotel sa Boracay at Antipolo kay Erin at siya naman ang nagmamanage nito pero gaya ko overseas din.

"Eunice aalis muna ako. Idedeliver ko lang itong mga Spanish Sardines at Tocino doon sa Filipino Store."

"Mommy ako na lang po. May bibilhin din po kasi ako. Tsaka malamig sa labas, dami ding snow. Baka rayumahin na naman kayo."

"Ay siya sige. Mag iingat ka sa pagda drive."

Tumango ako. Humalik na ako kay mommy saka na ako lumabas ng bahay. Puting puti ang paligid dahil sa snow. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ito.

"Hello Mrs. Smith!"

"Ay ikaw pala Eunice. Akala ko ang mommy mo ang maghahatid ng mga yan e."

Si Mrs Smith ay nakapag asawa ng isang Canadian at nagtayo siya ng isang Filipino store dito sa Toronto, Canada.

"Ako na lang po ang nagpresinta, baka kasi rayumahin lang yon e. Bibili din kasi ako ng tilapia. Meron ba kayo?"

"Ay oo, meron."

Iniabot na sa akin ni Mrs. Smith ang bayad sa mga idineliver kong produkto namin.

"Pabili po ako. Gusto ko po kasing kumain ng Paksiw na Tilapia."

"Sige, halika dito."

Nagpunta kami sa freezer at kumuha si Mrs. Smith doon ng nakapack ng tilapia.

"Ilang kilo ba?"

"Give me 3 kilo."

Dinala niya iyon sa counter saka niya inilagay sa dala kong bag na lalagyan ng isda. Inabot ko sa kanya ang bayad. Saka na ako nagpaalam sa kanya. Sumakay na ako ulit sa kotse at mabagal ko itong pinatakbo. Papunta sa isang grocery. Bibili din kasi ako doon ng sugpo at alimango. Nagrequest kasi si Celine na ipagluto ko siya ng buttered shrimp.

Namili na rin ako ng iba pang mga kailangan sa bahay dahil kumpleto sila doon. Nang mailagay ko na ang lahat ng pinamili ko sa trunk ng kotse ay isinara ko na at umikot na ako papunta sa driver's seat ng may mahagip akong bulto ng isang babaeng nanginginig sa lamig. Dinadaan daanan lang ito ng mga tao.

Why the hell she go out without wearing any jacket? Iignorahin ko na lang sana ang babae pero may nag uudyok sa akin para puntahan siya at tulungan.

"Hay naman!"

Isinara ko ang pinto ng kotse at nilapitan ko ang babae.

"Excuse me, did'nt you bring ang jacket or sweater with you?"

Nanlaki ang mata ko ng tumingin sa akin ang babae. Ang mommy ito ni Jacob!

"E-Eunice..."

Nangangatal ito sa lamig. Mabilis kong tinanggal ang suot kong Jacket at isinuot sa kanya. Doble naman ang suot kong jacker kaya kahit paano may panlaban ako sa lamig.

"Tita, anong ginagawa nyo dito sa gitna ng malamig na panahon at walang suot na jacket?"

Hindi ito makapagsalita dahil nanginginig na siya sa lamig. Inalalayan ko siya para makatayo.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon