Hindi ko na muli pang dinalaw si Erriel sa hospital dahil ayoko na muna makita si mommy. Hindi ko na rin ikinuwento kay Jacob ang nangyari sa hospital.Palabas ako ng gate ng University ng magulat ako sa pagharang ng isang babae sa akin. Mabilis naman ang mga bodyguards ko at naharang ang babae.
" Aray!" Sigaw niya.
Nakilala ko kung sino ang babae. Si Erin yon.
" Bitawan nyo siya. She will not hurt me." Utos ko sa mga bodyguards ko.
Binitawan naman nila si Erin.
" De bodyguard ka pa pala ha, Ate?" Tanong niya na may bahid pang uuyam.
" Huwag tayo dito mag usap. Sumama ka sa akin." Sabi ko saka na ako nagpatiunang naglakad papunta sa nakabukas na kotse.
Sumakay naman din siya sa kotse.
" Nice Car." Anya.
" Roel, lumabas muna kayo ng sasakyan. May pag uusapan lang kami." Utos ko sa driver ko.
Pagkalabas ng driver ko ay hinintay kong magsalita si Erin.
" Gusto kong makilala ako ni Daddy." Sabi niya.
Tumingin ako kay Erin.
" Hindi ba inilayo ka ni mommy sa kanya? Bakit gusto mong magpakita sa kanya ngayon?" Tanong ko.
" May karapatan akong makilala siya. Kung anong meron ka meron din dapat ako. Isa din akong tunay na Montefalco!" Anya na medyo tumaas ang boses sa mga huling katagang binanggit niya.
" Si Mommy ang nagkait sayo ng mga bagay na meron ako at wala ka ngayon. Huwag mong ibunton sa akin yang insecurities mo. Hindi ako masaya sa buhay na meron ako Erin. Hindi masaya sa pamilyang gusto mong yakapin." Babala ko sa kanya.
" Anong hindi masaya sa pagiging mayaman ha? Mabibili ko lahat ng gusto ko, mapupuntahan ko lahat ng gusto kong puntahan. Titingalain ako lahat ng tao dahil mayaman ako. Gusto kong maranasan ang mga bagay na ipinagkait sa akin ni Mommy. Huwag mong sabihing ayaw mo dahil gusto mong masolo lang ang kayamanan ni Daddy?" Anya.
" Hindi ko iniisip ang mga bagay na ganyan Erin. Kung gusto mong makilala ka ni Daddy, fine! Dadalhin kita sa kanya. Pero binabalaan kita Erin. Oras na yakapin mo ang buhay kapiling si Daddy, hinding hindi mo na sya matatakasan." Babala ko sa kanya.
" As if gusto ko syang takasan. Never! Magbubuhay prinsesa na rin ako gaya mo." Anya.
Binaba ko ang salamin ng bintana ng kotse at tinawag si Roel.
" Let's go." Tawag ko kay Roel.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Daddy kapag nakita niya si Erin. Tumingin ako sa kapatid ko. Nasa mukha niya ang pagkasabik na makilala ang ama namin.
" Erin, desidido ka na ba talagang mamuhay ng gaya ko?" Tanong ko na hindi nakatingin sa kanya.
" Ay ang kulet, oo nga sabi e." Anya na mukhang naiirita.
Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya.
" Huwag mo sanang pagsisihan ang naging desisyon mo bandang huli." Sabi ko.
" Hinding hindi." Anya saka na tumingin sa may bintana.
Pagdating namin sa bahay ay manghang mangha si Erin. Huminto ako sa paglalakad nang maramdaman kong hindi siya nakasunod sa akin. Nilingon ko sya at nakitang nakatingin siya sa loob ng bahay na parang may naaalala.
" Erin." Tawag ko.
Gulat pa siya ng tawagin ko. Nakita ko namang pababa sa grand staircase si Tita Selena.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...