Chapter 49

1.2K 32 0
                                    

Marahan akong nagmulat ng mga mata, muli akong pumikit dahil sa pagkasilaw ko sa ilaw. Ilang beses akong pumikit at dumilat hanggang sa masanay na ang mga mata ko sa liwanag. Puting kisame at puting pader ang nakita ko. Nakita ko din ang kaliwang kamay ko na may nakalagay na dextrose.

Masakit ang balikat ko, ang tagiliran ko at ang tiyan ko. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa akin. Maayos na ang paghinga ko. Nakita ko si Jacob sa tabi ko, sa bandang kaliwa ko. nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga at natutulog siya. Marahan kong hinaplos ang ulo niya. Naalimpungatan siya sa ginawa kong paghaplos.

Napaluha ako dahil sa wakas tapos na rin ang kasamaan ni Arlene. Salamat din sa Diyos at binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon para makasama ko ang pamilya ko.

Muli kong hinaplos ang ulo ni Jacob at sa pagkakataong yon nagising na siya.

"My love!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon. Kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

"Thanks God your awake! Sandali lang tatawag ako ng doctor!"

Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Maya maya pa ay pumasok na ang isang doctor at dalawang nurse para tingnan ako.

"Are you feeling better now?" Tanong ng doctor sa akin.

Tumango ako. "Still a bit weak but im fine."

Pati boses ko ay mahina dahil hindi pa naibabalik ang lakas ko. Tiningnan ako ng doctor at chineck lahat sa akin. May mga gamot silang itinurok sa suwero ko saka na din nila tinanggal ang oxygen na nakalagay sa akin bago sila lumabas.

Muling hinawakan ni Jacob ang kamay ko at hinalikan. Pinunansan din niya ang mukha ko ng wet tissue.

"Oh God! Akala ko mawawala ka na sa akin!"

Hinalikan niya ang kamay ko at nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Why did you do that my love? Alam mo bang habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nawala ka sa akin?"

"Im sorry... ayoko lang na madamay ka pa. Ilang beses ka ng nagsakripisyo para sa pamilya ko, kaya inisip ko na yun lang ang tanging paraan para masuklian ko ang lahat ng nagawa mo."

"Hindi mo kailangang suklian ang lahat ng yon. I did that for the sake of you because I love you."

"Im sorry."

Alam niyang mahina pa ako kaya hindi na niya ako sinermunan pa. Hinalikan niya ako sa noo.

"Im thirsty and hungry."

"Sandali lang, magtatanong muna ako sa doctor kung pwede ka ng pakainin at painumin."

Muli siyang lumabas at ilang minuto lang ay pumasok siya ulit.

"Pwede ka na daw kumain. Iadjust ko lang tong bed mo para makaupo ka."

Pinindot nya ang isang button doon at dahan dahang umangat ang kalahati ng kama kung saan nakapuwesto ang upper body ko. Kinuha niya ang bottled water at pinainom niya ako ng tubig. Sa sobrang uhaw ko ay naubos ko ang laman ng bottled water.

"Nagpabili na lang muna ako ng cup noodles sa bodyguard mo na nasa labas, yun palang daw ang ipakain sayo para hindi ka mabigla."

Tumango ako. May kumatok sa pinto kaya lumapit doon si Jacob. Ang bodyguard yon na inutusan niya. Mabilis niyang binuksan ang cup noodles at nilagyan ng hot water.

Muli kong naalala si Arlene. "Si Arlene?"

"She's dead. Mabuti na lang at hindi ka nalaglag don kasama niya?"

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon