CHAPTER 24

1.1K 29 0
                                    

Nag umpisa kaming magtrabaho ni Erriel bilang Chambermaid sa hotel. Noong una ay nahirapan ako, pero kalaunay nasanay na din. Natuto akong makisama sa lahat ng tao.  Sa loob ng anim na buwan ko dito sa Canada, marami na akong natutunan. Masasabi kong malayong malayo na ako sa dating Eunice noon.

Naging kaibigan ko din si Lance. Yung lalake noon na nakita ko sa inuupahang bahay nila mommy sa Manila. At kinuha niya kami bilang receptionist niya. Nag resign kami ni Erriel sa dati naming trabaho at doon na kami nagtrabaho kay Lance.

Ipinagpatuloy din ni Erin ang pag aaral niya dito. Working students siya. Apat na oras siyang nagtratrabaho bilang waitress sa isang restaurant. Si Mommy naman ay naipasok ni Tita Anabelle sa hospital na pinagtratrabauhan nito. Si Yaya naiwan kay Celine para magbantay.

"May kukuwento ako sa inyo dali!" Si Erin.

Mabilis naman kaming pumasok ni Erriel sa kuwarto para pakinggan ang ikukuwento ni Erin.

"May nameet akong lalake sa University. Half pinoy at half Canadian. I find him cute. Gustong manligaw. Papayagan ko ba?"

Tumingin ako kay Erriel. Siya ang unang sumagot kay Erin.

"Ligaw lang naman diba? Pumayag ka na."

Tumingin naman sa akin si Erin. "No for me."

"But why ate?"

"Did you tell him about Celine?"

Umiling si Erin.

"You need to tell him first about Celine. Then if he's willing to court you despite of being a young mom, then go. This is not only about you, Erin. This is also about Celine. Sa bawat desisyon mo, isama mo si Celine."

Narinig ko ang mahinang palakpak galing kay Erriel.

"You are really a good adviser. Ang swerte namin ni Erin at meron kaming kagaya mo."

Hinila ko buhok ni Erriel. "Mambola ka pa diyan!"

Lumapit naman si Erin sa akin at mabilisan akong niyakap.

"Thanks ate."

Dinutdot ko ang noo ni Erin. "Mag aral ka muna pwede ba? Saka na yang love love na yan. Istorbo lang sayo yan e."

Hinawakan niya ang noo niya. "Aray naman ate, ang sakit ah!"

"Para pumasok sa utak mo yang sinasabi ko."

Bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok si Mommy.

"Ano na naman yang meeting de avance nyo diyan ha?"

Tumayo si Erin saka naglambing kay Mommy.

"Wala mother, may hiningi lang akong advice kila ate.

"Naku Amanda Erin ako'y tigil tigilan mo ha? Alam ko na yang mga galaw mong ganyan."

"Ay si Mommy hindi mabiro."

"Asus! Kilala na kita no! Lumabas na kayo diyan at kakain na tayo."

Tumayo na kami at sumunod kay mommy. Wala pa si Tita Anabelle. Mamaya pang alas diyes ng gabi darating.

"Yaya, si Snowy?"

"Naku baka nakalabas na naman ang pasaway na aso mo!" Sabi ni Yaya.

"Hanapin ko po muna."

Lumabas ako ng pintuan sa harap ng bahay. Nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.

"Snowy! Snowy!"

Inikot ko ang bahay pero wala si Snowy. Nang bumalik ako sa harap ng bahay ay nakarinig ako ng tahol.

"Snowy!"

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon