Chapter 43

1.2K 33 0
                                    


Umuwi kami ni Jacob kasama nila Mommy at Celine sa mansiyon. Doon kami pansamantalang titira habang nandito kami sa Pilipinas. Nasa honeymoon naman sina Erin at Matthew. Si Erriel at Rob naman ay umuwi ng Isabela. Mahigit pitong taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin umaalis ang mga dati naming katulong noon. Sila ang mga nakatikim ng masama kong ugali kaya ilag pa rin sila sa akin hanggang ngayon. Tuwang tuwa sila at muli nilang nakita si Yaya.

Tinungo ko ang pinto papasok ng jewelry room ko. Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa scanner malapit sa pinto. Matapos ma scan ang kamay ko ay narinig ko na ang pagbukas ng lock nito. Kusang bumukas ang dalawang patong na pinto nito. Naglakad ako papasok, muli kong nasilayan ang mga alahas ko.

Lumapit ako sa isang salamin doon, pinagmasdan ko ang kwintas na bigay sa akin ni Daddy noong 18th birthday ko.

"Ang kwintas na ito ang nagpapatunay na ikaw ang nag iisang tagapag mana ng lahat ng aking ari arian. Ikaw ang kauna unahang pagpapasahan ko nito, ipasa mo ito sa isa sa mga magiging anak mo balang araw. I call this necklace Montefalco heiress or heir necklace."

I think i cant pass it on our next generation dad. Ayokong may isa lang akong papaburan sa mga magiging anak ko. I want them to be fair kaya hahatiin ko sa kanila kung anong yaman ang meron kami ng ama nila. Maybe i can give this necklace to my first son so he can give it to the woman he will love. This necklace will be the Montefalco's heirloom.

Napansin ko ang box kung saan nakalagay ang mga wedding ring namin ni Jacob. Kinuha ko ang box at tumambad sa akin ang mga sing sing. Isusuot ko na sana ang singsing ko nang may humawak sa kamay ko. Si Jacob.

Kinuha niya ang singsing at isinuot nya yon sa akin.

"My wife..."

Kinuha ko din ang kamay niya at isinuot sa kanya ang isa pang singsing.

"My husband." Sabi ko saka ako ngumiti sa kanya.


Pinagmasdan ko ang mga daliri namin kung saan nakasuot ang mga singsing namin. Noon lang ikinasal kami namin isinuot ang mga ito pagkatapos non ay itinago ko na dito sa jewelry room.


" Ready?" Tanong niya sa akin.

Ngayon ang araw kung kailan kami maiinterview ng isang sikat na talkshow dito sa Pilipinas.

"Yes."

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Nakasuot ako ng simpleng spaghetti strap above the knee length plunging neckline dress.


"Change your clothes." Anya.

"What?!"


"I dont like your clothes. Change it now. I will wait you."

Iniwanan niya na ako at lumabas na siya sa jewelry room. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Okey naman ah.. Anong problema non?"

Napadako ang mga mata ko sa dibdib ko at nahulaan ko na kung bakit ayaw niya ang suot ko. Kita kasi ang cleavage ko. Kumuha na lang ako ng polo blouse na hanggang siko ang haba at pinarisan ko ito ng kulay mustard na long skirt. Itinuck in ko na lang para magandang tingnan. Pumili na lang din ako ng bagay na sapatos para don. Binilinan din ako ni Mommy na huwag magsuot ng mga high heels stilleto kaya mas mababang takong ng sapatos ang pinili ko.


Nakaupo siya sa kama ng lumabas ako. Nilingon niya ako ng maramdaman ang presensiya ko.

"Much better." Anya.


Tumayo siya at lumapit sa akin. Mataman niya akong pinagmasdan.


Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon