CHAPTER 41

1.2K 32 0
                                    


Marahang haplos sa mukha ko ang tila gumigising sa akin. Kahit ayaw bumukas ng talukap ng aking mga mata ay pinilit ko pa ring imulat ito.

"Jacob..."

Tawag ko sa kanya.

"Im here my love.."

Naramdaman kong kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa tabi ko.

"Are you still dizzy?"

Umiling ako. Tinulungan niya akong bumangon. Nasa kuwarto kami, mabuti nalang at hindi nila ako idinala sa Hospital. Tumingin ako sa orasan, alas nuwebe na ng umaga. May dalawang oras din pala akong nakatulog.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "I want to eat Garlic and onion bagel with chives creamcheese."

"Where can i buy that? Can we order online."

"No! I want you to buy that food for me!"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero gusto kong siya mismo ang bumili non. Napakunot ang noo niya ng magtaas ako ng boses.

"You can buy that in St. Urbain bagel. That store was located in St. Lawrence Market. I think you know where is St. Lawrence Market, right?"

Tumango siya. Nagulat ako ng idikit niya ang tenga niya sa tiyan ko.

"Baby huwag masyadong mapili sa pagkain ha? Huwag mong pahirapan si Daddy. Nag uumpisa na kayo ni mommy e."

Natawa naman ako sa ginawa niya. Naupo siya sa gilid ng kama saka niya hinawi ang kumawalang buhok ko na napunta sa mukha ko. Iniipit niya yon sa gilid ng tenga ko.

"We did it just once pero nakabuo tayo agad. See how compatible we are my love?"

"Oo na."

Hinawakan niya ang mukha ko. "Ang ganda ganda talaga ng misis ko."

Marahan kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. "Matagal ko ng alam yon."

Sa labi ko naman dumako ang mga mata niya.

"And your lips was naturally red. Hindi na siya itim gaya ng dati. Mahilig ka kasi sa black lipstick noon e."

Muli siyang tumingin sa mga mata ko. "You look really beautiful without make up."

"Please tama na ang mga papuri mo sa akin, okey? Kanina ka pa e."

Ngumiti siya sa akin. "Namiss lang kita ng sobra."

Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya at dinampian ko siya ng halik sa labi. Sa totoo lang, miss na miss ko na din siya.

"I also miss you, Jacob. Madami akong mga bagay na hindi nagawa noon bilang asawa mo at ipinangangako ko sayo na gagawin ko yon ngayong magkasama na tayo ulit. I have a lifetime to do that right?"

"Of course you have."

"I love you."

"I love you too."

Marahan niyang inangkin ang mga labi ko. Kapagkuway biglang pinutol niya ang halik. Pinagdikit niya ang mga noo namin at tila ba nahihirapan siya.

"We should stop. Nasa labas lang ang pamilya mo.."

"At this time, im sure na tayo na lang ang nandito."

Alam kong nasa School na si Celine, pumasok na rin sa trabaho si Erin. At sina mommy at yaya naman ay umalis na rin para umangkat ng mga isda na gagawin nilang fish shanghai at spanish sardines.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon