Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Hindi na din nagpupunta doon si Jacob. Pinag iisipan ko pa rin kung ano ang koneksiyon niya sa mga Nangyari noon. Hindi kaya gawa gawa din ang tungkol sa pagnanakaw niya? Sinubukan kong tawagan si Mrs. Ignacio pero wala siyang sagot na ibinigay sa akin.
Nagpaalam ako kay mommy na may bibilhin ako sa bayan. Habang nagmamaneho ako papuntang bayan ay may nahagip ang mga mata ko. Isang taong kilalang kilala ko. Itinabi ko ang kotse at mabilis akong bumaba. Pero wala na doon ang lalaki. Sumakay ulit ako sa kotse. Palinga linga ako habang nagda drive.
Nakita ko ulit ang hinahanap ko. Nakaupo ito sa wheelchair habang tulak tulak ng isang Nurse. Mabilis akong bumaba at hinabol ang mga ito.
"Nurse wait!"
Huminto ang nurse at tumingin sa akin.
"Dad-"
Natigilan ako ng mapag alamang hindi si Daddy yon.
"Oh, Im sorry! I thought it was my Dad."
Hinging paumanhin ko sa Nurse.
"Its okey mam. Siya po si Sir Jacobo."
"Jacobo?"
Narinig ko na ang pangalan na yun. Napatingin ulit ako sa matanda. May malaking peklat ito sa mukha na tila nakuha niya sa isang malalang aksidente.
"Opo, Jacobo Zalameda. Siya po ang tatay nung dating singer na si Jacob Zalameda."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig! Buhay ang tatay ni Jacob at hindi namatay!
"A-Ang akala ko patay na ang tatay niya.."
"Hindi po. Nabuhay po pero ganyan na siya. Hindi nakakausap kaya parang patay na din po."
Muli kong sinulyapan si Don Jacobo Zalameda.. kahawig niya ang anak niya..
"Sige Mam, mainit na po kasi ipapasok ko na po si Sir."
Ipinasok ng Nurse ang tatay ni Jacob sa isang gate. Malaki ang bahay nila, pumasok na ako sa sasakyan ko. Paano? Bakit buhay si Don Jacobo? Ang alam ni Daddy patay na ito. Kahit si Jacob ay walang nabanggit na buhay pa ang ama niya.
Maya maya pa ay nakita kong dumating si Jacob. Sa labas lang ng gate niya ipinark ang kotse niya. Nakita ko siyang bumaba ng kotse niya, umikot siya at binuksan ang passengers seat. Kitang kita ko nong bumaba ang isang babae doon. Kilala ko ang babaeng yon at hindi ako pwedeng magkamali! Siya ang babaeng nasa picture na sinasabing babae ni Jacob sa Cebu!
Tiningnan ko ang bahay at nagimbal ako ng mapagtantong ito ang bahay sa picture kung saan nakunan sila ng litrato. Akala ko ba Cebu? Bakit dito naman sa Isabela.. hindi kaya....
"Jacob's mistress in Cebu is a lie! Niloko ako ni Daddy!"
Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng yon...
Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na ako doon.
Kinabukasan ay bumalik ako doon. Nasa labas ulit ang nurse at ang don. Nagkunwari naman akong bumibili ng kung ano anong paninda nung nagtitinda don.
"Hi!" Bati ng nurse sa akin.
"Oh, hi! Nandito kayo ulit?" Kunwari ay tanong ko.
"Oo, pinapa arawan ko si Ser e."
"Sino yung nakita ko kahapong dumating na babae diyan na kasama nung artista dati?"
"Ah, yun? Si Mam Nadine. Ang alam ko asawa ni Sir Jacob yun."
Tila natauhan ang nurse sa sinabi niya sa akin. "Hala mam, huwag mong ipagsasabi ha? Baka kasi matanggal ako sa trabaho."
Asawa? Ako ang asawa niya noh!
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...