Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Nakagraduate ako sa kursong kinuha ko at ako din ang naging magna cumlaude. Hindi ako nagpa party gaya ng mga kaklase ko, mas pinili kong magkulong sa kuwarto after graduation.Tahimik akong nakatayo sa may verandah ng kuwarto ko at nakatanaw sa madilim na kalangitan. Naramdaman ko ang kung anong ingay mula sa upuang bakal. Lumingon ako at nakita ko si Snowy na may kagat na isang tangkay na sunflower.
Kinuha ko yun mula sa bibig niya. Saka ko hinaplos ang ulo niya. Sa loob ng isang buwang pananatili nito sa bahay ay natutunan ko itong mahalin, kahit pa galing ito sa lalaking nangwasak ng puso ko.
" Did you pick this for me? Magagalit si Daddy sayo kapag sinira mo yung garden ni mommy." Sabi ko dito.
Umupo ako sa upuang bakal at isinandal ko ang katawan ko sa sandalan.
" Ito yung araw na ipingako ko sa kumuha sayo sa petshop. Ito sana yung araw na uumpisahan naming bumuo ng sarili naming pamilya."
Alam kong hindi ako maiintindihan ni Snowy. Pero wala akong ibang pwedeng pagsabihan ng problema ko kundi siya lang. Nawalan na ako ng tiwala sa iba.
" Ang lungkot Snowy... sa isang iglap lang nawala siya sa akin. Sino nga ba ang magkakagusto sa akin? Masama ang ugali ko."
May narinig akong kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Sumilip ako at nakita ko si Erin sa nakabukas na pinto ng kuwarto ko.
" Ate?"
" Im here in the verandah."
Naglakad papuntang verandah si Erin.
" Ate nagpaluto ako ng simpleng handa para sa graduation mo. Saluhan mo kaming kumain ni Celine."
Bumuntong hininga ako." I already told you na ayaw kong magpa party."
" Ate huwag ka ngang mag mukmok dito sa kuwarto mo. Kahit anong pagmumuni mo diyan, hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Halika na, lalamig na mga yon."
Kahit ayaw ko ay tumayo na ako at sumunod kay Erin. Naupo na ako sa may dining table. Nadatnan ko na doon si Celine. Nandon din si Tita Selena at Daddy. Nagulat ako ng makita ko si Mommy na nakaupo din sa mismong tabi ko malapit kay Daddy. Magkatapat sila ni Tita Selena at si Erin naman ang katapat ko.
" O ano? Magtititigan na lang ba tayo dito? Hindi na ba tayo kakain?" Si Erin.
Para naman kaming natauhan kaya nagsimula na kaming magsipag kuha ng pagkain. Nakita ko ang pag agaw ni Mommy sa hawak na putahe ng ulam ni Daddy.
" May coconut milk yan, susumpong ang allergy mo" ani mommy.
Kinuha niya ang bowl kay Daddy at inabot ang lalagyan ng kaldereta at naglagay siya sa plato ni Daddy. Muli na naman kaming natigilan. Pinaglipat lipat ko ang tingin kina mommy, daddy at tita selena. Ganon din si Erin at ang mga katulong na nandoon.
Tumikhim ako. " Old habits die hard."
Doon pa lang mukhang natauhan si Mommy kaya ibinaba niya ang lalagyan ng ulam at inasikaso na lang niya ang pagkain.
" Mahal gusto mo nitong kare kare?" Si Tita Selena.
" Hindi siya kumakain ni-" muling natigilan ni Mommy.
Nakita ko ang inis sa mukha ni Tita Selena. Si Daddy naman ay natitigilan din.
" Stop pretending that you care about my dad's food, Tita Selena. Sa tagal ng panahong nagsalo tayong kumain, never mong inasikaso si Daddy. Let his ex wife do it for him. Mukhang nakagawian niyang gawin na asikasuhin si Daddy noon." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...