Pagdating namin kinagabihan ni Erin sa bahay ay sa komedor na kami tumuloy para mag dinner. Humalik kami kay Daddy bago naupo sa upuan." Tumawag sa akin si Mr. Del Rio at nai kuwento niya ang maayos na pagtanggap nyo sa kanila." Sabi ni Daddy.
Nilagyan ni Jacob ng kanin ang plato ko. Hinayaan kong gawin niya yon. Nilagyan din niya ng slice ng chicken adobo ang plato ko.
" Ang galing nga ni Ate, daddy e. Biruin mo 19 years old pero kung magsalita kanina parang kasing edad lang niya mga yon." Pagbibida ni Erin.
" You should learn from your sister. Dahil ganon din ang gagawin mo. She cannot handle all of our hotel kaya kailangan mo siyang tulungan. Kung hindi ka sana inilayo ng mommy mo di sana ganyan ka na din kagaling sa ate mo." Sabi ni Daddy.
" I dont know if i can dad." Sabi ni Erin.
" Of course you can! Isa kang Montefalco, walang Montefalco na walang bilib sa sarili." Giit ni dad.
Tumingin ako kay Erin. Nakatingin din siya sa akin.
" I can teach Erin, dad. Dont worry." Sabi ko.
" You should. Dadalawa lang kayong mga anak ko kaya kailangan nyong magtulungan. And of course you Jacob. Kapag pwede ng isa publiko ang relasyon nyong dalawa ni Eunice, kasama ka nilang mag tataguyod sa mga negosyong maiiwan ko." Sabi ni Dad.
" Para namang mamamatay ka na." Singit ni Tita Selena.
" Hindi natin alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay kaya mas magandang handa kayo." Sabi ni Dad.
Natahimik naman kaming lahat.
" But before that, kailangan masigurado ko muna na matinong lalake ang mapapangasawa nitong si Erin." Dagdag ni dad na syang naging dahilan para mabitawan ni Erin ang kubyertos na hawak niya.
" Dad, bata pa ako. Tsaka may anak naman na ako, sino pang matinong lalake ang magmamahal sa kagaya kong may anak na?" Sabi ni Erin.
" Madami pa, Erin. And if that man dont want Celine to live with you, your ate Eunice and kuya Jacob can take care of your daughter." Sabi ni Dad.
" But dad-
" As long as you are here with me i will be the one who will decide for you!" Singhal ni Daddy.
Sinenyasan ko na lang na manahimik si Erin. Nakinig naman siya sa akin at hindi na muling nagsalita pa hanggang matapos kaming kumain. Sabay kaming umakyat ni Jacob pero huminto muna ako para silipin si Celine.
" Yaya, bakit po laging galit si lolo?" Narinig kong tanong niya kay yaya judith na sinusuklay si Celine.
" Ay pagod lang ang lolo mo. Tsaka madalas kasi naidadala niya sa bahay yung galit niya sa mga tauhan niya sa hotel." Sagot naman ni Yaya.
" Si mama po ba hindi nilalaro ni lolo noon? Kasi si mama po laging masungit tapos hindi nag smile." Tanong niya ulit.
" Ang mama eunice mo? Mabait na bata yon, kaso nakakakuha lang ng hindi magandang ugali sa lolo mo. Bata ka pa kasi kaya hindi mo pa maiintindihan kahit ipaliwanag ko sayo." Sabi naman ni Yaya.
" Pero mas inaalagaan po ako ni mama kesa kay mommy. Si mommy ko naman po minsan kapag niyayakap niya ako umiiyak po sya kaya yon aalis na sya. Hindi ko po alam kung bakit." Inosenteng kuwento ng bata.
" Nakung bata ka, pabayaan mo na lang ying mga matatanda sa paligid mo. Ang gawin mo mag play ka lang tapos mag school. Enjoyin mo pagkabata mo." Sabi naman ni yaya.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...