Konti lang ang nakain ko sa hinandang meryenda ni Lance dahil hindi gusto ng panlasa ko.
"Buntis ka noh?" Biglang tanong sa akin ni Lana.
Napatingin sa akin si Lance. Hindi pa nga pala niya alam. Kahit si Erriel ay wala ding alam. Tumango ako habang nakangiti.
"Two months."
"Congratulations! Ninong ako niyan ha?!" Sabi ni Lance.
"Oo naman. Next year na din kami magpapakasal ni Jacob sa simbahan kasi pinauna na muna namin sina Matthew at Erin. Tutal kasal naman na kami ni Jacob sa civil e."
"Kaya pala iba ang aura mo e. Buntis ka pala." Si Lance.
"Oh! I have to go, baka kanina pa naghihintay si Jacob. Inutusan kong bumili ng bagel e."
Tumayo na ako at humalik na sa dalawa.
"Thanks Eunice.." si Lana.
"Youre very much welcome. Pasyal kayo minsan sa bahay. Walking distance lang naman e."
"Sige." Sabi ni Lana.
Isinuot ko na ang mga panlamig ko saka ko na tinawag ang tatlong aso ko. Habang naglalakad ako ay naglalaro naman at naghahabulan sa snow ang mga alaga ko. Hindi pa kami nakakalayo ng husto sa bahay ni Lance ay nakasalubong ko na si Jacob. Nakabusangot ang mukha nito.
Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin. Inayos niya ang suot kong scarf.
"Why the hell you're going to a man's house alone?"
"Si Lance lang naman ang pinuntahan ko. And he's my friend."
"He like you. Paano kung pagtangkaan ka niyang gahasain?!"
Natawa ako sa sinabi niya. Nagseselos siya kay Lance!
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Salubong na ang kilay niya.
"My love, hindi yon magagawa sa akin ni Lance. Sa loob ng pitong taong naging kaibigan ko siya dito, hindi ko pa naranasang bastusin niya ako. He respects me. Matagal na rin niyang natanggap na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya."
Nanatili pa ring salubong ang kilay niya at hindi kumbinsido sa mga sinabi ko.
"You stalked me for three years. Did you see him taking advantage of me? Huwag ka ng magselos diyan. You know your the only one that i love."
"Im not jealous." Anya.
"Ows? Talaga?"
Nag iwas siya ng tingin sa akin. "Oo na, nagseselos na ako. Siyempre mas matagal mo siyang nakasama kesa sa akin. Anong laban ko sa seven years nyong friendship e wala pa ngang isang taon tayong nagsama. He knows you better than me."
Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan. "Your heart knows me better than Lance. Magsasama na tayo habang buhay kaya huwag mo ng pagselosan si Lance. And besides he already found his forever. Pinapunta niya ako sa kanila dahil nandon yung girlfriend niya."
"Talaga?"
"Oo, kaya halika na at gusto ko ng kainin yung binili mong pagkain ko."
"Balik tayo don kina Lance. I just want to thank him for taking care of you while im not around you."
"No, halika na uwi na tayo. Huwag na nating istorbohin mga yun, baka gumagawa na sila ng milagro."
Natawa sa akin si Jacob. "Natatawa na lang ako sa uri ng pagsasalita mo ngayon. Where's the sophisticated Eunice i've met before?"
"She's still here, pero nahaluan na ng kapilyahan. Halika na nga."
Inakbayan niya ako at kinabig palapit sa katawan niya saka na kami naglakad.
BINABASA MO ANG
Tame The Heiress Heart
RomanceAmelia Eunice Montefalco, panganay na anak ng Business Tycoon na si Enrico Montefalco. Lumaki siyang wala ang ina at bunsong kapatid dahil naghiwalay ang parents niya at siya lang ang naiwan sa Daddy niya. She is a real princess, nasa kanya na ang l...