Chapter Three

1.3K 42 0
                                    


Mabilis na lumipas tatlong buwan. Tatlong buwan na pala buhat ng maikasal ako kay Jacob. Pinili ko paring dumistansiya sa kanya. Lagi kasi akong talo pagdating sa kanya.

" I told you not to cook that menu! Who will eat vegetables huh? Wala naman si Daddy at Tita Selena!" Bulyaw ko sa katulong.

" Eunice iha pagpasensiyahan mo na itong si Nene. Namali lang siya ng kuha ng menu sa araw na ito." Singit naman ni Yaya Judith.

" E kung di ba naman nuknukan ng tanga to, nagluto ng hindi nagtatanong! You know im not eating pinakbet at ginataang kalabasa!" Sigaw ko ulit.

" Magluluto na lang po ako ng iba mam Eunice." Sabi ni Nene.

" Magluluto?! What time is it Nene ha?! Its already seven in the evening! Im already starving! Ang tanga tanga mo kasi!" Sigaw ko.

" What's happening here?" Narinig ko ang boses ni Jacob.

" Namali kasi ng menu na niluto si Nene. Hindi kumakain ng gulay si Eunice e." Si yaya ang sumagot.

" Iwan nyo muna kami dito Yaya." Sabi ni Jacob.

Mabilis naman silang umalis don.

" Ang liit na bagay pero kung hamakin mo ang mga katulong mo daig pa nila ang pumatay." Sabi ni Jacob.

" And so what?! Binabayaran sila para utusan!" Sagot ko.

" Para utusan, tama. Pero para murahin at laiitin sila? Youre just paying them for their service and youre not paying them to insult and shout at them." Sabi ulit ni Jacob.

" Can you please shut up?! At sino ka para pakialaman ang trato ko sa mga katulong namin?" Tanong ko.

" They're right. You are like your dad. Mapagmataas, matigas ang puso at walang ibang inisip kung hindi magpayaman kahit pa may nasasagasaan ng ibang tao." Anya.

Natahimik ako sa sinabi niyang yon.

" Dapat nga magpasalamat ka dahil mababait ang mga maids dito. Kung iba lang yan, matagal ka ng nilason dahil sa ugali mo. Why dont you change your attitude? Sa ginagawa mo walang magtitiyagang mahalin ka." Dagdag pa niya.

" I dont care. I dont need anyone to love me. Wala akong pakialam kahit umalis pa silang lahat! Mapapalitan ko sila kahit sampu pa! And you? Ano bang pakialam mo? Ang gawin mo kumanta ka na ng kumanta para yumaman ka!" Sigaw ko.

" Singing is just my hobby. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng madaming pera. I am not like you, kahit gaano pa kadami ang pera nyo wala yung silbi. Dahil hindi nabibili ng pera ang kagandahan ng ugali." Anya saka na siya umalis.

Kutsara ang nadampot ko at ibinato sa pader dahil sa inis ko. Nag walk out ako palabas ng bahay.

" Ricky! Ricky!" Tawag ko sa driver ko na isa din sa mga bodyguard ko.

" Mam." Mabilis siyang lumapit sa akin.

" Nasaan ang susi ng kotse?!" Tanong ko.

"Naku mam, mahigpit pong utos ng daddy nyo na huwag kayong payagang magmaneho ng mag isa." Sabi niya.

" Ibibigay mo ba sa akin o sisisantihin kita?!" Sigaw ko kay ricky.

" Pasensiya na mam eunice pero mas mahirap po kapag ang daddy nyo ang nagalit sa akin." Sabi niya sabay talikod.

" Damned!" Inis kong sabi.

Im already starving! Inis akong pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko si Jacob pero hindi ko siya pinansin. Umakyat ako sa taas at nagkulong na lang ako sa kuwarto.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon