Chapter 44

1.1K 32 1
                                    

Seven months after....

Sa Canada kami nag stay, pauwi uwi lang si Jacob sa Pilipinas para asikasuhin ang apat na hotel na natira sa akin. Ang ibang hotel ay hinawakan ni Erin. Inilipat ko na yon sa pangalan niya. Doon sila nanirahan ni Matthew sa Pilipinas kasama si Celine na sa tuwing bakasyon ay umuuwi dito sa Canada.

Kabuwanan ko na ngayon. Ayon sa ultrasound ay kambal ang baby namin ni Jacob. Babae at lalake.

Tumayo ako para lumabas ng bahay at maglakad lakad. Ganito ang exercise ko araw araw. Sinasamahan ako ng mga aso kapag wala si Jacob.

Nasa kuwarto pa si Jacob at may kinuha lang. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit, napahawak ako sa tiyan ko. Naramdaman kong may tubig na lumabas mula sa akin at umagos sa paa ko.

"Mom! Jacob!"

"O bakit?" Tanong ni Yaya na galing sa kusina.

Nakita ni Yaya ang tinitingnan ko kaya nagpanic na siya.

"Naku pumutok na ang panubigan mo! Amira! Amira! Jacob! Nasaan ba kayoo?!"

Nilapitan ako ni Yaya. Nagpanic din yata si Mommy sa sigaw ni Yaya kaya nakita ko siyang kumakaripas ng takbo galing sa kuwarto.

"Oh my God!"

"My love!"

"My waterbag is broke. Take the baby bag, love."

Nanatiling kalmado si Jacob. Mabilis niyang  kinuha ang sinasabi kong bag sa kuwarto. Dala dala niya na yon paglabas. Binuhat niya ako at isinakay sa kotse.

"Mommy, sumunod ka na lang po. Calm yourself for a while." Sabi ko kay mommy.

Mangiyak ngiyak siyang tumango. Baka kung ano pa mangyari sa kanya sa nerbiyos niya.

Mabilis kaming nakarating sa hospital. Nakalabas na ang ulo ng baby namin pagdating namin sa hospital. Kasama ko si Jacob sa loob ng labor room.

Sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Tumingin ako kay Jacob, nakita ko ang takot at pag aalala sa mga mata niya. Kanina pa siya natutulala. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin.

"We can make it my love." Sabi ko.

Humilab ang tiyan ko kaya napangiwi ako. Pilipina ang doctor na magpapaanak sa akin.

"Nakalabas na ang ulo Eunice. Kailangan mong sabayan ng pag ire ang paghilab ng tiyan mo okey?"

"Yes doc."

Sa bawat paghilab ng tiyan ko ay umiire ako. Halos umiyak na ako sa sobrang sakit pero hindi binibitawan ni Jacob ang kamay ko. At sa wakas ay narinig na namin ang iyak ng isa sa kambal namin.

"Baby boy." Sabi ng doctor.

Ibinalot nila ang baby namin sa lampin at ipinatong sa dibdib ko. Napaluha ako ng mahawakan ko siya. Nakita ko din ang pagpatak ng mga luha ni Jacob. Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak namin.

"Hi baby boy, im your daddy."

Naramdaman ko ang muling paghilab ng tiyan ko. Kinuha nila ang baby boy namin at naghanda kami sa paglabas ng isa pa naming baby. Unti unti akong nakakaramdam ng panghihina.

"Push more, Eunice. Konti na lang."

Kumuha ako ng buwelo at umire akong muli. Iyak ulit ng sanggol ang narinig ko.

"Baby Girl."

Ibinalot nila ito sa lampin at ipinatong din sa dibdib ko.

"Ang ganda niya, my love. Kamukha mo."

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon