Chapter 40

1.2K 34 0
                                    


Nakatingin sa amin ang lahat ng nasa hapag kainan na kami. Binati ko si Tita Andrea nang makaupo ako saka humingi ng paumanhin.


"Pasensiya ka na po tita kung hindi kita nabati kanina. Masama lang po ang pakiramdam ko."

Hinawakan ni Tita Andrea ang kamay ko. "Wala yon iha. Pasensiya ka na rin at nagpunta ako dito ng walang pasabi. Niyaya lang ako ni Jacob magpunta dito sa Toronto. Wala siyang alam na ikaw ang tumulong sa akin dito. Basta ang alam niya may Pilipina lang na tumulong sa akin. Alam kong may bahay siya dito pero hindi ko alam na ang bahay niya ay diyan lang sa katabi nitong bahay niyo."


Napatingin ako kay Jacob. So sa loob ng tatlong taon nandiyan lang pala siya sa tabi ko.

"Akala ko tulog pa yan kaya palihim akong nagpunta dito sa inyo, yun pala nakita ako. Tsaka matagal mo na palang stalker yan e."


"Nagkaayos na ba kayong mag asawa?" Tanong naman ni Mommy.


"Yes Tita. Nagkausap na po kami."

"Mommy. Asawa ka ng anak ko kaya mommy ang itawag mo sa akin, ganon na din ang itawag mo sa Tita Andrea mo, Eunice."

Tumango naman kami ni Jacob.

"Mabuti naman at naayos nyo na ang relasyon nyo. Lalo na ngayong-


"Mom."


Pinigilan ko si Mommy dahil gusto kong ako ang magsabi non kay Jacob. Nagkibit balikat naman si Mommy.

"Ikaw Erin, anong oras ang dating ni Matthew at ng pamilya niya?"

Napakunot ang noo ko. Ang alam ko ay si Matthew lang ang darating, bakit pati pamilya niya? Nabasa siguro ni Yaya ang nasa isip ko kaya nagsalita siya.


"Mamamanhikan na sila iha."



"Mamamanhikan? Bakit hindi ko alam?"


"E kasi ate may sakit ka nga diba? Tsaka paunahin nyo na kami ni Matthew na ikasal tutal kasal naman na kayo ni kuya Jacob e."


"Fixed marriage naman yong sa amin. Civil lang din yon."

"Next year na lang kayo magpakasal sa simbahan. Kami muna. Malaki na si Celine noh!"


Hinayaan ko na lang si Erin sa kagustuhan niya. Hindi pa nga naman sila kasal ni Matthew samantalang kami ni Jacob kasal na.


"Jacob tikman mo itong pinakbet. Paborito na ngayon yan ni Eunice."


Pinigilan kong huminga para hindi maamoy ang pinakbet. Pero ng kumuha si Jacob at nilagyan ako sa plato, halos maduwal ako. Tinakpan ko ang bibig ko pero nakalikha pa din ng tunog ang muntikan kong pagduwal. Napatingin silang lahat sa akin, lalo na si Jacob.

"May nakain lang siguro ako." Pagsisinungaling ko.


Pero hindi ko talaga makaya ang amoy ng bagoong sa pinakbet. Mabilis kong tinanggal ang nasa plato ko at inilayo ang lalagyan ng pinakbet sa akin. Pero nakita ko sa mga mata ni Jacob at ni Mommy Andrea ang pagdududa.

"May nangyari ba sa inyo ni Jacob bago ka umalis ng Pilipinas?"

Nagulat ako sa tanong ni Mommy Andrea. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Kumain na muna tayo at mamaya na pag usapan yan."

Alam kong nakahalata na si Jacob sa kung ano ang ibig sabihin ng mommy niya pero tahimik lang ito at tila nakikiramdam.


Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon